Muling nabuhay

Buhay na buhay ang industriya ng pelikula ngayon.

Nagsimula ito sa A Very Special Love starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo na kumita ng limpak-limpak na salapi at hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin kahit nasa ika-third week na.

Sumunod ang Dobol Trobol starring Dolphy and Vic Sotto na second week na sa mga sinehan.

Kahapon, Wednesday, nagbukas sa mga sinehan ang dalawang Tagalog film, Torotot (Viva Films) and Loving You (Regal Films).

Ayon sa feedback, pareho namang ok ang kita ng dalawang pelikula na nataon na namang may bagyo nang magpalit ng sine kahapon. Ang kaigihan lang, cancelled ang klase kahapon, all levels, kaya malamang maraming estudyante ang nanood ng sine imbes na umuwi ng maaga dahil nung maghahapon na ay tumila na ang ulan.

Next week naman palabas ang For The First Time starring KC Concepcion and Richard Gutierrez under Star Cinema.

Actually, sino bang mag-iisip na puwe­deng magsama ang dalawa samantalang nasa magkalabang network sila. Si Richard bilang Primetime King sa GMA 7 at si KC na prinsesa ng ABS-CBN. Pero hindi pala madali ang naging preparation nila para sa pelikulang ito. Pero naging posible lahat.

Majority ng eksena nila ay kinunan sa Santorini, Greece kung saan nagkasari­linan ang dalawa for almost two weeks. Actually, sa Greece daw talaga nagkaroon ng confirm­ation ang relasyon ng dalawa pero sinasabi nilang they’re enjoying whatever relationship na meron ngayon na feel sa trailer ng pelikula nila.

Rich and spoiled playboy si Richard sa For The First Time while KC is a prude and ambitious girl scarred by a tragedy.

Dinirek ni Bb. Joyce Bernal, showing na sa Wednesday ang pelikula.

Oh ngayon, sinong puwedeng mag­sabi na patay na ang industriya ng peli­kula? (SVA)

Show comments