^

PSN Showbiz

Heart Evangelista umaapela para sa full house

- SEEN SCENE -

Seen : Ang mga protesta laban sa tagumpay ni Gretchen Espina sa Pinoy Idol. Wala nang magagawa ang mga nagrereklamo. Hawak na ni Gretchen ang titulo. Hindi kasalanan ni Gretchen na can afford na gumastos sa text votes ang kanyang pamilya na well-off.

Scene : Ang Celebrity Duets 2 ang magiging tunay na basehan ng popularidad ni MMDA Chair Bayani Fernando. Maugong ang balita na kasali si Bayani sa bagong season ng Celebrity Duets at kasama siya sa mga makakalaban ng magkapatid na Melanie Marquez at Joey Marquez.

Seen :  Hindi lamang ang kanyang kapatid na si Alex ang clone ni Toni Gonzaga. Clone din ni Toni ang PDA co-host na si Nikki Gil. Gayang-gaya ni Nikki ang pagsasalita at facial expressions ni Toni. She’s nothing but a second hand, trying hard copycat!

Scene :  Afternoon drama show na remake ng lumang pelikula ng Viva Films ang next project ni Heart Evangelista sa GMA 7 . Tip ito sa fans ni Heart na ginagawa ang lahat ng uri ng apela upang siya ang maging bida sa Philippine version ng Full House.

Seen : Ang dalawang unit na binili ni Mark Anthony Fernandez sa isang condo building sa Greenhills, San Juan. Tuluy-tuloy na ang pagbabago at pagiging responsableng ama ni Mark.

Scene : May sawa factor na ang The Singing Bee. Tama lang na magpahinga muna ang show at baguhin ang rules nito.

Seen : Ang publicity photos ni Gretchen Espina. Kahawig ni Gretchen sa kanyang litrato sina Imelda Papin, Dra. Vicki Belo at Claire dela Fuente. Kailangan ni Gretchen ng complete make-over upang magkaroon siya ng sariling identity.

ANG CELEBRITY DUETS

CELEBRITY DUETS

CHAIR BAYANI FERNANDO

FULL HOUSE

GRETCHEN

GRETCHEN ESPINA

HEART EVANGELISTA

IMELDA PAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with