Kahit sa simula, hindi ko naging paborito ang nanalong unang Pinoy Idol (PI) na si Gretchen Espina. Nang sabihin ko sa simula pa lamang ng paligsahan na babae ang magiging first PI, naka-sentro ang paningin ko kina Mae Flores at Penelope na hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, kahit na noong na-eliminate na sila, ay itinuturing ko pa ring pinakamagaling na kandidato sa PI. Nakalimutan ko na ang pinakamalaking basehan para manalo sa nasabing singing contest ay ang text votes.
Pero noong huling paglalaban ng Top 3 nina Gretchen, Ram Chaves at Jayann Bautista, hindi nasapawan nina Ram at Jayann ang ipinagmamalaki ng probinsya ng Biliran. Katunayan ako ay naniwala na perfect ang performance ni Gretchen, swabe, walang pretensyon na mas magaling siya sa mga kalaban niya.
Ang tanging layunin niya was to perform at her best and be worthy of the many text votes na inasahan ng lahat na papasok sa pabor niya, dahil alam ng lahat na may kaya ang pamilya niya. Totoo, hindi lamang nanalo si Gretchen dahil marami siyang text votes kundi dahil sa huling laban nila, lumabas siyang pinakamagaling. Hers was the better version of the show’s theme song na si Ogie Alcasid ang nagkompos.
Mahigit sa P5M ang premyo ni Gretchen. Sinabi niya sa interview matapos ang Pinoy Idol na pinag-usapan na nila na sinuman ang manalo ay magbibigay ng tig-P100,000 sa dalawang matatalo. Ang iba pa ay ibabahagi niya sa kanyang mga kababayan at ang sigurado, she will embark on a showbiz career. Natikman na niya kung paano maintriga, sa simula pa lamang ng PI at makakaya pa niya ang mga darating pa.
* * *
May bagong grupo ng apat na magagandang singer/dance na mina-manage ni Bella Dimayuga, namumuno ng kumpanya at grupong Bellestar.
Nagkaro’n ng isang bonggang launching ang grupo na tinatawag na Philippine Juicy Fruits, sina Mangga, Langka, Makopa at Kaimito noong nakaraang linggo sa programa sa TV hosted by Usec. Robert Rivera at ni Ms. Bella mismo na kung saan ay ipinamalas ng apat na mga dalaga ang kanilang pambihirang talento sa pagkanta at pagsayaw.
* * *
Napakasarap naman ng mga snacks na ini-endorse ni Dr. Vicki Belo na gawa ng LiteChoice. Ito ang Rice & Oats, isang ready-to-eat flavored snack at Slimfit, isang slimming and refreshing powdered drink na habang iniinom n’yo ay lalo kayong nasasarapan pero kahit gaano karami ang inumin ay hindi kayo tataba. Maski na mga bata ay puwedeng kumain ng Rice & Oats dahil wala itong MSG, cholesterol, transfat at mababa ang sodium content.
Pero meron itong mga bitamina (A, B3, E) at minerals (potassium, phosphorous, magnesium) at may Teavigo pa, isang pure and natural EGCG mula sa green tea na isang fat burner, metabolism enhancer, anti-oxidant at naglilinis sa katawan ng toxins, promoting skin and oral health.
Ang mga manay kong Ethel Ramos at Aster Amoyo, nasarapan muna at nagpasyang bumili bago pa nila nalaman na hindi sila patatabain nito.
Available ito sa lasang veggie asparagus at light sugared cinnamon. Hintayin n’yo ang paglabas ng Sta Fe BBQ, Wasabi & Seaweeds at Onion & Sour Cream at siguradong kakalimutan n’yo na ang mga kinagigiliwan n’yong regular snacks mag-Rice & Oats at Slimfit na lang.