Claudine nag-baby sit kina  Joshua  at Baby James

Sumagot na si Pokwang matapos siyang tawagin diumano ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon na mukhang aswang sa  pinalitan at tinagalog na lyrics ng Imagine ni John Lennon noong nakaraang show nila sa Los Angeles sa Amerika. Mapapanood ang clip nito sa YouTube. “Okey lang ‘yon. Flattered nga ako, kasi Joey de Leon siya,” nakangiting sabi ng magaling na komedyana.

Sa kabila ng deskripsyon ni Joey kay Pokie ay open pa rin ito sa idea na makatrabaho ang una in future projects. “Darating ang araw, magkakatrabaho rin kami ni Joey. Hindi niya pagsisihan, dahil hindi ako pasaway,” dagdag pa ng comedienne-host.

Sinagot din ni Pokie ang tungkol sa issue raw na ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas daw ang unang nagsusuot ng outrageous outfit kaysa sa kanya. “Yung kay Ms. Ai Ai, pang-fashion, sa akin couture,” pagtatapos ni Pokie.

* * *

Mukhang wala namang nagbago sa mag-dyowang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay matapos lumabas ang issue na hiwalay na sila more than a month ago. Dahil sa pang-ilang pagkakataon ay nakita naming muli ang dalawa na magkasama at sweet na sweet pa rin naman  sa eight birthday party ni Jaymee Jamaji, anak ng mag-asawang negosyanteng sina Mr. Minoo and Ms. Weng Jamaji na based sa Dubai, sa Ballroom C ng Makati Shangri-La Hotel. Kita namin sa mga mata nila na masaya pa rin sila, lalo na si Angelica dahil sa laki ng pink ribbon na suot sa ulo niya as her headband. Cute!

Nakarating din ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago kasama hindi lang ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino kundi pati sina Joshua at Baby James with StarStudio magazine editor-in-chief Biboy Arboleda.

Kasalukuyan kasing nasa bakasyon sa Amerika ang kaibigan ni Claudine na si Kris Aquino at asawa nitong si James Yap, kaya siya rin ang nag-baby sit kina Josh at Baby James mula pa lang sa bahay nila that Sunday afternoon.

 Ngayon lang namin nakita ulit si Claudine matapos ang sigalot na nangyari sa kanila ni Angel Locsin. Maganda pa rin at maaliwalas ang aura nito. Pagpasok ng ballroom ay isa-isa niyang binati halos lahat ng kakilala at kaibigan niya. Maya-maya ay inasikaso na niya ang pagkain ng kanyang mga anak at mga anak ni Kris bago siya kumain. Bukod sa kanyang pamilya ay abala pa rin daw sa taping ang mahusay na aktres ng kanyang teleseryeng Iisa Pa Lamang. Bago umalis sa party ang mag-anak ay pinagbigyan muna nila ang mga bisitang gustong magpa-picture sa kanila. - FMS 

Show comments