^

PSN Showbiz

Dolphy hanggang braso lang sinusuntok ang mga anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Masaya ang naging presscon ng Dobol Trobol Get Redi 2 Rambol na tinatampukan ng Hari ng Komedya na si Dolphy at Vic Sotto. Naging very open ang dalawa sa pagsagot during the open forum kasama na roon ang sex life ng dalawa.

Halos magkatulad ang ugali ng dalawa - pagiging down-to-earth, matulungin sa kapwa, mabait at maginoo.

Bukod sa pagiging magaling na komedyante ni Pidol sa buong buhay na inilagi nito sa showbiz ay di pa ito napaaway at may nagreklamong kasamahang artista pagdating sa trabaho.

May nagtanong kung paano ba magalit ang isang Dolphy?

“Bihira akong mamalo sa aking mga anak noong bata pa sila. Pag may nagawa silang kasalanan nung malalaki na sila, ayun minsan sinusuntok ko sila sa braso. Pero kadalasan naman kapag galit ako sa mga anak ko at napagsabihan na sila haharap na lang ako sa altar. Ang mga anak ko lang ang nakakapagpaiyak sa akin,” aniya.

Isa pa rin sa staying power ni Dolphy ay ang pag-aasikaso at pagbibigay  halaga sa kanyang mga fans.

“Kahit kumakain ako ay tumatayo ako kapag dinalaw ng mga fans sa set at minsan kahit puno pa ng pagkain ang bibig ko ay nakikipag-usap ako sa kanila at nagpapakuha ng litrato,” dagdag pa nito.

Kahit puyat sa magdamagang syuting ng Dobol Trobol ay wala silang ginawa ni Vic kasama ang mga artista kundi magtawanan nang magtawanan kaya di nakakaramdam ng pagod.

* * *

Sa launching ng CD album ni Gabby Concepcion ng Warner Music Philippines ay halatang umiiwas ito sa mga tanong na nauugnay sa kanya kay Sharon Cuneta. Sinabi kasi nito na sa pamamagitan ng musika ay naipadarama nito ang damdamin.

May nagtanong kasi kung ang awiting  Ako Pa Ba na nakapaloob sa album ay kung kay Sharon Cuneta ba niya inihahandog?

“Yung  Ako Pa Ba ay para sa Pilipinas at kung tanggap pa kaya ako ng mga tao o nakikilala ba ninyo ako? Mabuti naman at maraming nangyari sa aking career nang hindi ko iniisip o inaasahan,” anang aktor.

Nahasa na ang kanyang boses kaya handa na sa kanyang show sa Zirkoh ngayong Agosto 14 at 15.

* * *

Nakausap din namin si Carmi Martin na kasama sa Dobol Trobol Get Redi 2 Rambol kung saan 15 years pa silang huling nagkasama ni Dolphy. Miyembro kasi ang seksing aktres ng Dolphy’s Angels.

“Naku! kahit libre pa ang TF ko okey lang dahil payag akong lumabas sa pelikula kasama ang dalawang sikat na komedyante. Big honor sa akin na makasama ko sila. Isa pa, ang saya-saya namin sa set at ang dami pang pagkain,” ani Carmi.

Magaling sa komedi ang aktres kaya kahit sa telebisyon via Ako si Kim Samsoon ay kwela siya sa pagpapatawa bilang si Mrs. Ruiz.

vuukle comment

AKO

AKO PA BA

CARMI MARTIN

DOBOL TROBOL GET REDI

DOLPHY

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with