Seen: Ang pag-iyak ni Butch Francisco sa Startalk habang kinakausap niya si Lorna Tolentino sa Startalk kahapon. Hindi na babalik si Lorna bilang co-host ng Startalk. Mas gusto niya na maging host ng isang lifestyle talk show o magkaroon ng sitcom sa telebisyon.
Scene: Ang kakayahan ni Dolphy na pagtawanan ang sarili. Tinawag niya ang sarili na ‘amoy-lupa’ sa promo guesting niya kahapon sa Eat Bulaga para sa Dobol Trobol. Eighty years old na si Mang Dolphy.
Seen: Ang pagsasama nina Alfred Vargas at LJ Reyes sa Una Kang Naging Akin. Suporta ang mga role ni Alfred at ng kanyang ex-girlfriend sa show na hahalili sa Magdusa Ka. Tinanggap ni Alfred ang supporting role sa Una Kang Naging Akin. Matagal na niyang pangarap na makatrabaho ang direktor na si Joel Lamangan.
Scene: Ang matangos na ilong ni Katrina Halili. Iba ang porma ng kanyang ilong ngayon sa ilong niya noong sumali siya sa Starstruck at nag-uumpisa siya sa showbiz.
Seen: Si Joem Bascon sa presscon ng TV 5. May epekto ang madalas na comparison kay Joem at sa kanyang look-alike actor na si Piolo Pascual. Nakokopya na ni Joem ang mga facial reaction ni Piolo. Mahihirapan siya na magkaroon ng sariling identity. Scene: Si Lani Misalucha sa anniversary party ng Belo Medical Group noong Sabado sa Makati Shangri-la Hotel. Tahimik na dumating sa bansa si Lani. Tahimik din ang naging pagtanggap sa kanya ng audience nang kumanta siya sa party ng Belo Medical Group.
Seen: Ang hair style ni Carlo Orosa at ng kanyang mga talent, sina Christian Bautista at Sam Concepcion. Magkakamukha na sila dahil sa kanilang magkakaparehong hairstyle. All for one, one for all sila.
Scene: Ang successful opening ceremony ng Beijing Olympics. Sulit ang bilyun-bilyong dolyar na ginastos ng gobyerno ng China. Ang Team Britain ang fashionable team dahil sa kanilang simple ngunit magandang kasuotan sa parade of nations.