Dolphy puwede nang National Artist

Puring-puri ni Vic Sotto ang kanyang idolo at co-actor sa pelikulang Dobol Trobol: Redi 2 Rambol na si Dolphy dahil nilapitan ito ng mga fans sa set ng kanilang pelikula habang ito ay natutulog para lamang magpakuha ng picture.

Sa halip na magalit ay nakangiti pang nagpaunlak ang hari ng komedya. Hindi ito kinikitaan ng pagka-bagot at pagka-masungit kahit bagong gising.

‘‘Kung sa akin nangyari yun, sinungitan ko pa siguro sila,’’ ani Vic na umaming may mga pinirate na siyang mga jokes ni Dolphy.

Mismo si Dolphy ang nagsabi na bahagi yun ng pagiging artista niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit tumagal siya sa industriya ng mahigit anim na dekada.

Sa kanyang gulang na 80 years old, marami ang nagsasabi na hinog na siya para maging National Artist.

Oo nga naman, kahit naman hindi eh marami na siyang na-achieve bilang isang artista. Panahon na para bigyan natin siya ng ganitong natatanging parangal.

* * *

Mabuti rin naman at natapos na yung away nina Katrina Halili at Riza Santos na nagmula sa isang show. Ayon sa Fil-Canadian beauty na ka-partner ni Vic Sotto sa Dobol Trobol, wala siyang intensyon na makipag-away at lalong hindi niya inirapan o pinakitaan ng masama ang artista ng GMA. Sa kanya na nagmula ang pakikipag-ayos. Maganda talaga sa tao yung nagpapakumbaba. Baguhan si Riza at siya ang makikinabang sa ipinakita niyang humility.

Hindi raw siya na-intimidate kina Dolphy at Vic sa shoot ng kanilang movie. Mas nanaig ang kanyang paggalang sa dalawa at ang kasiyahan niyang makasama sa pelikula nila.

* * *

Napakagaling na ballet dancer pala ng nakakabatang kapatid ni Rufa Mae Quinto na nagngangalang Abbey. Pambatong dancer ito ng Shirley Halili Cruz School of Ballet na madalas ipadala sa mga national and international compe­titions na kung saan ay nanalo ito.

Proud si Rufa Mae sa kanyang sister na sinabi niyang may ibang mundo kesa sa mundo niya pero happy siya dahil kahit medyo may kamahalan ang bayad sa pag-aaral ng ballet, sulit naman dahil lumabas itong napakagaling.

* * *

Si Gabby Concepcion, dinala pala sa Pilipinas ang pagiging singer niya sa abroad at ginawa pang propesyon. Isa na siyang recording artist ng Warner Music Philippines at ini-launch ang kanyang debut album sa kabila ng pagtataka ng lahat ng press na dumating dahil hindi nila akalain na singer pala ito. Pero pinatunayan ni Gabby na marunong siyang kumanta sa pamamagitan ng pagpaparinig ng ilang songs na nasa album niya sa launching ng album sa isang karaoke bar sa Trinoma.

Hindi naman siya napahiya dahil nakanta niya ng mahusay ang mga awiting nasa album niya at live pa, hindi siya nag-lip synch. O laban kayo?

Show comments