Pelikula para kay Piolo

Kahit pa magiging busy si Piolo Pascual sa paggawa ng tatlong pelikula sa mga darating na buwan, makikita pa rin ng kanyang mga fans ang kanyang kaanyuan sa pinakabagong television commercial ng San Mig Coffee Instant 3- in-1 Coffeemix.

Batay sa impormasyon na mula sa kampo ni Pascual, magsasama sa unang pagkakataon sa pelikula sina Piolo at Angel Locsin na kukunan pa sa Canberra, Australia at mayroon ding location shoot sa Bukidnon. Bago pa man siya umalis ay tinatrabaho na rin ni Piolo ang remake ng pelikulang Manila By Night at Jaguar na mga pelikulang pinasikat ni Ishmael Bernal at Lino Brocka na planong ilaban sa international film festival.

Kahit sobrang abala, nagawa pa ni Piolo na maisabay ang shooting ng bagong TV commercial niya para sa San Mig Coffee 3-in-1 na mayroong apat na unique blends na maaring pagpilian: Mild, Original, Strong at Extra Strong, ipalalabas simula ngayong linggong ito.

Pinapurihan ni Pascual ang tema ng nasabing commercial: “Different characters, different blends suit my lifestyle and definitely works for my image. With San Mig Coffee, you can choose from four different variants.”

Ayon kay San Mig Coffee marketing manager Erik Riola, may pagkahalintulad ang pagsikat ng San Mig Coffee at ni Piolo Pascual nitong mga nakaraang taon. “San Mig Coffee and Piolo Pascual both posses dynamic and youthful personalities. The partnership started back in 2005 contributed to the ever-growing popularity of Piolo, and has helped make San Mig Coffee a household name and a significant player in the coffeemix category.”

Show comments