Marian pinaghahandaan ang sayaw sa kama

Yes, Marian Rivera has decided to go a bit sexy sa kani­lang free concert ni Ding­dong Dantes sa August 27 sa Araneta Coliseum. Dahil mas kilala sa kanyang pagiging isang mahu­say na dancer, bukod siyem­pre sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres, mas itatam­pok sa kanyang husay sa pagsa­sayaw na tatangkain namang pantayan ng kanyang leading man sa Dyesebel na si Ding­dong, na katulad niya ay nagdiri­wang din ng kanyang birthday sa buwang ito.

Hindi man sila magkapare­hong araw ng kapanganakan, August 2 si Dingdong at August 12 naman si Marian, pinag­sasabay na ang selebrasyon nila sa pama­ma­gitan ng sunud-sunod na guestings sa mga programang Songbird, SOP at marami pang ibang palabas ng GMA 7. Ito ngang concert nila sa Ara­neta ay isa ring selebrasyon at tribute na rin sa kanilang mga tagahanga na walang sawa ang suporta sa kanila.

Kung ano’ng sayaw ang gagawin ni Marian, na sinabing sa kama gagawin, ang siya sigurong dapat abangan ng mga manonood ng show dahil sigu­radong paghahandaan niya’t pagagandahin ito. ’Di ba, Marian?

Huwag nang pag-awayin sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez dahil magkaibigan sila at parehong inaalagaan ng GMA. Bakit ba hindi eh, ang dalawa ang itinuturing na pinakasikat na artistang lalaki ng Siete, kaya gusto silang pabagsakin ng mga kalaban nila. At ang pinaka-magandang way ay ang mapag-away sila.

Sana lamang ay hindi ito patulan ng dalawa. Magkasya na lamang sila sa kanilang katanyagan at kasikatan sa ngayon. Richard is Richard at Dingdong is Dingdong, parehong sikat, parehong magaling at marami namang proyekto para sa kanila na hindi nila kailangang mag-away pa. Hindi ba, guys?

Sabi ni Dingdong, dahil ang dami-daming nagtatanong kung hindi ba raw siya nagkakaro’n ng feelings kay Marian, sobrang magkaibigan silang dalawa at sobrang komportable sa isa’t isa kung kaya hindi nila naiisip iyon at nararamdaman.

Smooth sailing ang kanilang tandem. Isa pa maligaya naman si Dong kay Karylle at kapuri-puri na nagagawa nilang ihiwalay ang kanilang relasyon sa kanilang career.

At si Marian naman, ang maganda bang babaeng katulad niya ay mananatiling loveless? I’m sure meron din siyang iniibig ng lihim kundi man itinatago. Pabayaan na lamang natin siya sa kanyang pribadong buhay. Ang mahalaga, hindi naman apektado ang kanyang professional life.

Eto pa ang isang iniintriga, porke ba sobra siyang sikat. Intrigahin ba naman dahil napatungan siya ni Marian bilang No.1 sa isang babasahing pang-lalaki? Eh pana-panahon lang ’yan. Sino ang makapagsasabi, baka next time makuha niya muli ang unang puwesto?

* * *

Kesa padala sa intriga, magpasalamat na lamang si Katrina Halili na bida siya sa dalawang malaking pelikula ng OctoArts Films, ang Miss X na sa Amsterdam pa kukunan at sa direksyon ni Gil Portes. Bida rin siya sa isa pang MMFF entry na ididirek naman ni Jose Javier Reyes, ang One Night Only comedy na tatangkain namang ipalabas ang galing niya sa pag-arte.

Balitang milyon ang kontrata ni Katrina sa OctoArts. O, ’di ba masaya ito? Pwede nang pag-aksayahan ng panahon at ’di ang mga walang kakwenta-kwentang intriga na naglalayong pasamain lamang ang kanyang loob at gusto siyang pabagsakin.

Show comments