Fans nina Angel, Anne, Heart at Marian, may apela

Ang daming reaksyon sa sinabi ni Richard Gutierrez na ang labi ni KC Concepcion ang pinaka­malambot sa mga labi na nahalikan niya.

Super-react ang fans nina Angel Locsin, Anne Curtis, Heart Evangelista at Marian Rivera na pawang nahalikan ni Richard sa mga pelikula na pinags­amahan nila.

Hindi ba raw na-offend ang mga babaeng ito, pati na si Georgina Wilson sa siney ni Richard?

O di ba, talagang sikat na sikat na si Richard? Binibigyan na ng kahulugan at malisya ang kanyang mga sinasabi, kesehodang wala siyang intensyon na maka-offend ng kapwa?

Walang naging kasalanan si Richard kundi sagutin ang tanong sa kanya. Kasalanan ba kung nagpa­katotoo siya?

At least, maingay ang pelikula nina KC at Richard dahil sa statement na bi­ni­ti­wan niya sa presscon ng For The First Time.

* * *

Umaapela sa GMA 7 management ang fans ng  Ako Si Kim Samsoon sa ibang bansa. Huwag daw ipagbawal ang pag-download sa Internet ng mga episode ng show ni Regine Velasquez dahil ito ang tanging kaligayahan ng mga OFW.

Illegal ang ginagawang pag-download sa Internet ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN. Basta illegal, hindi dapat i-tolerate. Para hindi ma-miss ng mga Pinoy sa ibang bansa ang Ako Si Kim Samsoon, mas makabubuti na mag-subscribe sila sa Pinoy TV. Hindi na nila kailangan na panoorin sa computer ang kanilang favorite show. Mas klaro pa ang mga eksena na mapapanood nila sa TV, itsurang milya-milya ang layo nila sa Pilipinas.

* * *

Natuloy ang bonggang  birthday tribute kay Mang Dolphy sa Meralco Theater noong Huwebes ng gabi.

Kesehodang malakas ang ulan noong hapon, napuno ng mga  tao na nagma­mahal kay Mang Dolphy  ang malaking teatro ng Meralco.

May mga hindi naka­rating dahil sa malaking baha na nagdulot ng matinding trapik sa Metro Manila.

Nakakaloka ang sitwasyon sa Edsa noong Huwebes nang hapon.

Maraming tao ang stranded sa kalsada dahil nahirapan sila na sumakay sa mga bus at jeepney.

* * *

Hindi ko saklaw ang kalooban ni Joey de Leon kaya hindi ko alam ang pag-e-emote na gagawin niya ngayong hapon sa Startalk tungkol sa pagre-resign niya bilang kolumnista ng isang broadsheet.

Walang dapat ikalungkot ang mga sumusubaybay sa column ni Papa Joey. Malay n’yo, magkaroon siya ng offer na magsulat sa ibang broadsheet tulad ng Philippine Star. Mas bongga di ba?

Naiintindihan ko ang stand at desisyon ni Papa Joey. Love na love niya ang Eat Bulaga at talagang maninindigan siya kung walang katotohanan ang mga  paninira laban sa kanilang programa. Maldito man si Papa Joey sa paningin ng ibang tao, isa ako sa makapagpapatunay na isa siyang mabuting tao at kaibigan.

Sa totoo lang, aral para sa ating lahat ang gina­wa ni Papa Joey. May gusto siya na i-prove, na hindi lahat ng impormasyon na ipinadadala sa pamamagitan ng e-mail eh totoo at dapat paniwalaan.

Kung makakatanggap kayo ng sizzling showbiz news sa e-mail, alamin muna kung totoo ito bago i-publish.

Tanggapin natin na may mga tao na ginagamit ang internet at cellphone para makaganti sa mga tao na hindi nila type.

Kaya nga  puro pagbati sa mga e-mail na ipinadadala ng mambabasa  ang  wel­come na welcome sa akin at ipina-publish ko. Safe na, natutuwa pa ang read­ers na nag­­lalambing na i-greet ko sila at ang ka­nilang mga mahal sa buhay.

Kung magsulat man ako ng kontro­bersyal na isyu na mula sa e-mail, sinisiguro ko na suportado ‘yon ng mga ebidensya. Ano pa ang hinihintay ninyo? Magpadala na kayo ng e-mail sa lolitkulit@yahoo.com.ph!

Show comments