Parating na ang newest at sexiest superhero na si Varga - sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Varga ngayong Sabado, August 2, pagkatapos ng Kapitan Boom sa ABS-CBN.
Dalawang magkaibigang nilalang ang kailangang magsama para iligtas ang sangkatauhan, pero paano nila magagawa yun kung hindi sila magkasundo?
Kilala bilang Father of Pinoy Superheroes, na-create ni Mars Ravelo si Varga noong taong 1947 at unang lumabas sa Bulaklak Magazine. Si Varga ang nagsanib na alien being na si Vara, prinsesa ng planetang Vargon at ang simpleng bata na si Olga.
Nang sumabog ang planetang Vargon, bubulusok sa space ang isang spaceship… sakay si Vara! Babagsak sa planetang Earth at sasabog ito. Vara will be a life force, an alien soul na walang memory kung sino siya. Ang nasinagan nang pagsabog ng spaceship ay ang batang si Olga, na walang pinangarap kung hindi ang manalo sa beauty contest para matulungan ang amang si Andres na naghihikahos.
Sa pagsasanib ng dalawa, madidiskubre nila na mayroon silang kakaibang lakas! Magtutulungan sina Vara at Olga na pabagsakin ang masamang mga plano ni Xandra, ang older woman na very young looking. Sa kanilang mga adventures, mabubuo nila ang isang pagkakaibigan na hinding-hindi masisira ninuman.
Sabay ng goodbye ni Kapitan Boom, maghe-hello naman ang voluptuous pero childlike hero na si Varga, na gagampanan ng talented host at sexy model na si Mariel Rodriguez ka-partner ang kanyang real life dyowa na si Zanjoe Marudo. Ito ang unang lead role ni Mariel sa isang mini-series.
First na magsasama nina Zanjoe at Mariel sa isang serye.
Actually, sa dalawa, mas mukhang excited si Mariel sa pagsasama nila ng dyowa. Ang feeling kasi ng marami, mas in love si Mariel kay Zanjoe kesa mas in love si Zanjoe sa kanya.