Nanay ni Martin dedma na kay Katrina
Wa epek na ang mga paninira kay Rhian Ramos sa Internet. Ako na lang yata ang nagsulat tungkol sa mga paninira sa kanya dahil ayaw na itong patulan at seryosohin ng ibang mga reporter.
Nagdududa na kasi ang mga reporter na sinasadya nang siraan si Rhian para magkaroon siya ng mga publicity at umingay ang kanyang pangalan.
Eh hindi naman kailangan ni Rhian na masangkot sa mga eskandalo dahil maganda siya, marunong umarte at matalino.
Kaya kung sinuman ang may pakulo ng mga paninira kay Rhian with matching evidences, mag-isip-isip kayo dahil matatalino ang mga reporter. Knows nila kung ginagamit sila para mapag-usapan ang mga artista. ‘Yun lang!
* * *
Dedma raw ang nanay ni Martin Nievera kapag kinukumusta sa kanya si Katrina Ojeda.
Ang ibig sabihin, hindi in good terms ang nanay ni Martin at si Katrina? ‘Yan ang next issue na sasagutin ni Martin na never na sumagot ng ‘no comment’ sa mga nagtatanong tungkol sa kanyang personal na buhay.
Hindi ko alam kung kailan ang next concert ni Martin pero sure ako na kung magkakaroon siya ng presscon, tungkol na naman kina Pops Fernandez at Katrina ang mga itatanong sa kanya. Pustahan?
* * *
Nagtitiinda raw ng sabon sa Amerika ang aktres na iniwanan ang showbiz career sa Pilipinas.
Wala akong makitang
At least, hindi siya tulad ng ibang artista na imbes na magbanat ng buto eh lulong sa sugal o paggamit ng mga illegal na droga.
Malay natin, baka makilala sa Amerika ang aktres dahil sa pagbebenta niya ng sabon. Mas mabuti nang sabon ang ipinagbibili niya kesa katawan o puri niya!
* * *
Nakikiramay ako sa mga naulila ng direktor na si Abbo dela Cruz. Sumakabilang-buhay kahapon si Abbo sa kanilang bayan sa Lucban, Quezon.
Inatake sa puso si Abbo habang bumibili ng pandesal sa isang bakery at hindi na siya umabot ng buhay sa ospital.
Magaling na direktor at scriptwriter si Abbo. Gumawa siya ng mga pelikula
- Latest