Susan realistic ang atake sa role

Hello, last Wednesday pa ako dumating, live yung radio show ko at hindi taped. Kahit hinawakan yun ni Shalala, hindi ko naman pinabayaan. Palagi ko siyang tinatawagan para magbigay ng update.

O, kamusta na, na-miss n’yo ba ako? Ako na-miss ko kayo. Kahit ako’y nasa malayo, palaging dito sa atin ang isip ko.

Na-miss ko ang traffic, yung kalituhan sa mabilis na pagpapabagu-bago ng presyo ng langis. Yung mga ganitong problema is something na nagbibigay ng ehersisyo sa utak ko. Sa pag-alala ko sa mga lubhang maaapektuhan, gumagana ang utak ko, hindi nababakante.

* * *

Sa isang late-night show ng GMA 7 na napanood ko, pinabilib ako ng mga kabataang guests na nagbibigay ng kanilang mga opinyon at kuru-kuro tungkol sa mga kasalukuyang isyu, yung tungkol sa pag-alis ng maraming Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa at kung paano sila sa mga kasa­lukuyang problema ng bansa.

Hanga ako sa kanila dahil marurunong sila. Ang mga katulad nila na may pagmamahal sa bansa ang dapat makaimpluwensya ng mga katulad nilang kabataan para sa ating kaunlaran. Nakapanghihi­nayang lamang na ang napakalaking bilang nila, 60% of the entire population, ay hindi nagkakaisa-isa, para makagawa ng kinakailangang pagbabago.

* * *

Binabati ko si Manny Pacquiao sa napakagan­dang gesture na ginawa niyang pamamahagi ng mga tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Cebu. Hindi kataka-takang kasihan siya ng Diyos, bukas kasi ang mga palad niya sa pagtulong.

* * *

Pinanday na ng pa­nahon ang kaga­lingan sa pag-arte ng kumare kong Susan Roces.

Ang galing niya sa Iisa Pa Lamang  bilang lola ni Claudine Barretto.

At kahit deglamourized siya sa lahat niyang ek­sena, okay lang sa kan­ya basta magawa la­mang niyang reyalisti­ko ang kanyang role.

Wala nang duda sa kahu­sayan ng Queen of Philippine Movies.

Inamin ni Mareng Susan na talagang na-excite siya sa kanyang role.

Bukod sa magandang kuwento, nakakatrabaho niya ang ilan sa pinakamahusay nating artista.

Show comments