Richard naiipit kina KC at Heart

Kinilig ang fans nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa naka-post na pictures ng dalawa sa Internet na kuha sa shooting nila sa Santorini, Greece ng pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Narito ang sample ng mga litrato ng dalawa na ang iba’y off-camera.

Sa isang litrato, makikitang naka-swimsuit si KC at hindi lang kami sure kung kasama ito sa eksena, o wala lang. Two weeks sa Santorini ang dalawa at dahil maganda at romantic ang lugar, hindi nakakagulat kung pagbalik nila’y hindi na lang sila “close friends.”

Kaya lang pagbalik ni Richard, may Heart Evangelista na naghihintay sa kanya at ang actress naman ang kapareha niya sa Codename: Asero.

Ang suwerte nga ng actor for having two beautiful and sexy actresses as his leading ladies, isa’y kapareha sa pelikula at ang isa’y sa series niya sa TV. Naku, may naaamoy kaming namumuong real life love triangle.

Wish siguro ni Richard dalawa ang puso niya para puwedeng sabay niyang mahalin sina KC at Heart. Kaya pala todo ang smile nito ‘pag tinutukso ng press na ang theme song niya ngayon ay Sana Dalawa ang Puso Ko na kinanta yata ni Bodji Dasig.

* * *

Hindi talaga selfish at insecure si Regine Velasquez, dahil kapag nakitang magaling ang isang talent ay siya mismo ang nag-a-announce. Take the case of Sheena Halili na kasama niya sa Ako Si Kim Sam Soon at gumaganap sa role ni Cynthia na kontrabida niya, galing na galing sa kanya ang Songbird at sinabi niya ito sa big bosses ng GMA-7 na ikinatuwa ni Sheena at ‘di akalaing masi-single out siya ni Regine.

Malay natin at dahil sa mga papuri ni Regine kay Sheena ay mas malaking role na ang ibigay sa kanya ng Ch. 7 in her next project. Isa ang young actress sa ipini-petition ng fans sa network para sa kanya ibigay ang role ni Jessie Hahn sa Pinoy adaptation ng Full House.

Samantala, sa Monday episode ng Ako Si Kim Sam Soon, hahanapin ni Harvey (Wendell Ramos) si Sam Soon at sa muling pagkikita nina Sam Soon at Cherry (Pauleen Luna) ookrayin ng huli ang masyobang bida. Magugulat lang si Cherry nang malamang si Cyrus (Mark Anthony Fernandez) ang fiancé ni Sam Soon.

* * *

Sobrang inililihim ng ABS-CBN ang complete cast ng Betty La Fea, dahil hanggang ngayon, sina Ruffa Gutierrez at Vhong Navarro pa lang ang ini-release nilang kasama ni Bea Alonzo, altho’ may mga sitsit na si John Lloyd Cruz pa rin ang makakapareha nito.

Sa press release nilang workshop ng cast, walang nabanggit kung sino ang cast, basta nag-i-enjoy daw ang lahat at bonding time rin nila ito bago magsimula ang taping.

Si Bea rin pala ang kakanta ng theme song ng Betty La Fea, ang Kagandahan na kasama sa debut album niyang The Real Me. Magkakaroon din ng original song para sa comedy series na malapit na raw umere.

* * *

Sa Huwag Anak, episode ng Moms, topic ang mga sama ng loob na kadalasang ibinibigay ng mga anak sa kanilang mga magulang. Paano ito dinadala ng mga mahal nating ina? Guests sina Divina Valencia, Jean Saburit, Tia Pusit at Dra. Camille Garcia. Performer si Bituin Escalante na kakanta ng Fever.

Hosts sina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes ng Moms. (Nitz Miralles)

Show comments