^

PSN Showbiz

Diana at Wendell Ramos mag-on?

- Veronica R. Samio -

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap ngayon ni Angel Locsin ay patuloy pa rin ang pananahimik nito tungkol sa kontrobersya sa kanila ni Claudine Barretto.

Walang hinahangad ang una kundi magkaayos na sila ni Claud dahil ayaw nitong may kaaway lalo pa nga at sa iisa silang network nagtatrabaho. Isa pa itinuturing niyang idolo si Claud dahil napakagaling nitong artista.

Sa meeting nito last Tuesday with ABS-CBN at Star Cinema big bosses kasama ang manager na si Becky Aguila at Ela Colmenares (kapatid ni Angel) ay nagpaliwanag sila tungkol sa insidenteng naganap sa salon.

Mabuti na lang at bitbit ni Becky si Beng na siyang nag-ayos kina Angel at Claudine sa parlor kung saan klinaro nito na walang sigawang naganap habang nag-uusap ang dalawang aktres at sinabing hindi naman sinipa ni Angel ang silya at wala siyang nakitang dinuru-duro nito ang make-up artist ni Claud na si Alex. Narun din sa insidente si Ela at sinabing hindi naman totoo ang mga bintang sa kanyang kapatid.

Umaasa rin ito na sana’y maging magkaibigang mabuti ang dalawa at kalimutan na ang nangyari. Willing makipag-usap si Angel kay Claud para maayos na ang gusot.

* * *

Magkaibigang malapit sina Diana Zubiri at Marvin Agustin kaya kahit sila ilink sa isa’t isa ay purely friends lang talaga ang kanilang relasyon.

Pero gaano kaya katotoo na si Diana ngayon ang ‘apply of the eye’ ni Wendell Ramos dahil kahit taping break ng Bubble Gang ay may nakakakitang mahigpit na nagyayakapan ang dalawa. May mamuo kayang relasyon sa kanila? Bagay naman sila di ba?

* * *

Nakakuwentuhan namin si Ms. Maribel Galindez  na may ari ng Lucida-DS na ini-endorso ni Gabby Concepcion. Ito’y tungkol sa BFAD sa pagre-recall sa market sa kanilang mga produktong Lucida-DS at Vaniderm dahil sa kakulangan nito ng glutathione.

Ipinawanag nito ang kanilang side at sinabing: “The Recommendation for product recall is not yet final and executory. Under BFAD law, the bureau is required by law to give us the opportunity to im­preach the BFAD’s findings. We have filed a motion for recon­sideration last Monday. We always assure the public of a quality 500 mg glutathione preparation of Lucida and Vaniderm.”

ANGEL LOCSIN

BECKY AGUILA

BUBBLE GANG

CLAUD

CLAUDINE BARRETTO

DIANA ZUBIRI

ELA COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with