Gretchen ni-request sina Phillip at Tonton

Nung gumawa ng album si Gretchen Barretto sa bakuran ng ABS-CBN unang nabuo ang ideya na balikan niya ang kanyang pag-aartista.

“Naudlot ang career ko nung tumigil ako at hindi ako prepared. Kaya bumalik ako, unang sinubukan ko ang singing, ngayon drama naman which I feel kaya ko because I’m older now, wiser at maraming baon na emosyon,” panimula ng kontrobersyal na aktres na 15 taon na nang huling lumabas sa Maalaala Mo Kaya.

“Tatlong scripts ang ipinadala sa akin to consider, ito ang napili ko, tungkol sa isang kabit ng mayor.

“Ni-request ko talaga si kuya Ipe (Phillip Salvador) kasi nga 15 years ago gumawa na kami ng MMK. Bagay sa kanya ang role, isang may edad na pero, lalaking-lalaki pa rin. Si Tonton (Gutierrez) I have worked with for so many projects noon. Kaya nakatu­tuwang magkakasama ulit kami,” sabi ni Gretchen na umaming hindi pa pwedeng ipambili ng bag ang talent fee niya sa MMK pero, sinabi niyang hindi niya tinanggap ang offer for the money.

“MMK ‘to  at 17 years na on the air kaya pinag­handaan ko. Kaya pala ang dami-daming artistang gustong mag-MMK and I am proud na nakasama ako,” dagdag pa ng nagbabalik na aktres na hindi inakala na aabot ng tatlong araw ang taping niya. Sanay siyang matulog ng maaga at hindi nagpupuyat. 

Mapapanood ang MMK sa bagong oras at araw nito, Sabado, pagkatapos ng Pinoy Dream Academy 2. Direksyon ni Nuel Naval.

* * *

Sa Gala Performance Night ng Pinoy Dream Academy Season 2 na pinangunahan ni Nikki Gil  napiling Outstanding Little Dreamer ang anim na taong gulang na si Angelo na nakakuha ng perfect score na 10. Kinanta niya ang I Want To Break Free ng Queen. Unanimous sa kanya ang mga judges na sina Jimmy Antiporda, Erik Santos at Geneva Cruz.

Samantala, dahil hindi napabilib ang jury sa duet  ng real-life couple na sina Miguel at Bea noong 4th Gala Night kung kaya silang dalawa ang mga Probees para sa linggong ito!

Nahirapan si Bea sa pagkuha ng tamang tono ng kantang Araw Gabi at ilang beses ding napuna ni Miguel ang mga pagkakamali nito. Dahil dito ay nagka­roon ng maliit na tampuhan ang dalawa na talaga namang  nagbunga nang hindi maganda sa kanilang performance.

Sina Christian at Bunny naman na kumanta ng Ain’t No Mountain High Enough kasama sina Bugoy at Liezel na bumirit ng If I Ain’t Got You ang nagpabilib sa mga hurado at manonood. Ang version naman nina Van at Apple ng Nobody Wants To Be Lonely ay nasabihang safe habang ang mahinang rendisyon nina Sen at Cris ng Burn ang naghatak sa kanila sa Bottom Four kasama sina Miguel at Bea. Mabuti na lamang at nailigtas ng mga Mentors at Scholars sina Cris at Sen.

Nagsimula na nung Lunes ang botohan para sa Probee Scholars ng linggong ito. Para suportahan ang inyong paborito ay i-text lang ang PDA space MIGUEL o PDA space BEA sa inyong mga cellphones at i-send sa 231 para sa Smart, Talk & Text at Addict Mobile subscribers at 2331 naman para sa Globe, TM at Sun subscribers.

* * *

 Ang  His Love concert ni Gary Valenciano na ipinalabas sa Music Museum at nagtampok din sa mga anak niyang sina Paolo, Gabriel at Kiana ay magkakaroon ng repeat sa July 17, 18, 30 at 31 sa Music Museum din.

This is for the benefit of Shining Light Foundation and Operation Blessing Foundation’s efforts to reach out to the victims of typhoon Frank. After the Manila shows, Gary will bring His Love to the Summit Centre in Zamboanga City on July 25 with Paolo and Gabriel, brothers Joshua and Jason Zamora of the Manoeuvres, and the Powerplay Band under the musical direction of Mon Faustino.

* * *

 veronicasamio@yahoo.com

Show comments