Rosanna igagawa ng pelikula ni Piolo

SEEN: Misinformed si Butch Francisco ng Startalk. Mali ang kanyang sinabi sa Startalk noong Sabado na ang Magdusa Ka ang nangunguna sa mga afternoon drama show ng GMA 7. Ang Gaano Kadalas Ang Minsan at hindi ang Magdusa Ka ang top-rater sa mga afternoon drama show ng GMA 7.

SCENE:  Ayaw ng mga tao ang paraan ng pagsasalita ni Gretchen Barretto tungkol sa kanyang sarili. Hindi nila gusto si Gretchen kapag sinasabi nito na “Si Gretchen Barretto.. ang Gretchen Barretto.”  Gretchen Barretto is Gretchen Barretto. Hindi sila nagkakalayo ni Anna Dizon na naging pamoso dahil sa kanyang classic showbiz line na “Anna Dizon is Anna Dizon.”

SEEN: Malaki ang cash prize na napanalunan ni Aiza Seguerra sa The Singing Bee. Tama lang na huminto siya. Hinahangaan si Aiza sa pasya nito na ‘mag-stop.’ Hindi raw siya greedy dahil gusto niyang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga contestant.

SCENE:  Gagawa ng independent movie sina Rosanna Roces at Piolo Pascual. Si Piolo ang producer ng pelikula. Pasaway si Rosanna ngunit may mga naniniwala pa sa kanyang talent sa pagganap.

SEEN:  Mukhang nakikinig si Regine Velasquez sa mga comment tungkol sa acting niya sa Kim Samsoon. Hindi na trying-hard si Regine. Natural na ang kanyang pag-arte. Nakakatawa na ang mga eksena niya.

SCENE:  Wala lang ang reaksyon sa mga balita tungkol sa break-up nina Pauleen Luna at Mayor Sherwin Gatchalian. Hindi ito kasing-ingay ng break-up noon nina Pauleen at Marvin Agustin.

SEEN: Ang hindi mapigilan na pagtaba ni Francine Prieto. Kung hindi magpapapayat si Francine, mga mother role na ang kanyang gagampanan sa TV at pelikula. Maaari na siyang mapagkamalan na  ka-edad ng kanyang special friend na si Philip Cu-Unjieng.

Show comments