Mas malalang kabiguan sa Miss U

’Di lang diyan sa ’Pinas, dito man sa US, pinanood ang Miss Universe beauty pageant, lalo na ng mga Pinoy na inip na inip nang makakita ng Pinay na Miss Universe. Napakatagal na kasi noong huli nating mapanalunan ang titulo. Eh magaganda rin naman yung mga representatives natin, pero parang ’di sila napapansin.

Kamakalawa, mas malaki ang naging kabiguan natin dahil ang ganda ng mga releases na lumalabas tungkol sa ating Miss U bet at maski mismo siya, positibo ang paniniwala na magkakaroon siya ng magandang resulta pero ni hindi siya nasama sa 10 finalists. Eh nasama si Miss Vietnam at Miss Japan na kapwa niya Asyano kaya times two ang disappointment natin nang ’di pumapel si Miss Philippines. Eh ang dami-daming nanood at naghintay, at umasa. Well, better luck next time.

* * *

Meron palang mga inaalagaang mga batang talent si Natalie Palanca, sina Faye Danica, isang singer songwriter at Ria Garcia, actress, dancer, model. Parehong 18 years old ang dalawa na nakakontrata na sa Viva at naghihintay na lamang na makapagsimula ng kanilang mga assignments.

Abala pa rin si Miss Palanca sa kanyang paboritong proyekto, ang reunion ng parents and twins sa August 16 sa Bahay Ugnayan, 1043 Good Shepherd Convent, Aurora Boulevard, QC. Special guests for the occasion si Ms. Millette Hammond at ang 13 years old na kambal na babae nito, sina Jaclyne at Mikhaila.

Bibihira ang may mga ganitong proyekto, tungkol sa mga kambal at multiple births — triplet, quadruplets, atbp. Maganda sigurong mapanood ito, tutal nakabalik na ako sa araw na ito. Kita-kita tayo.

Show comments