Siguradong hihinto ang ikot ng mundo ngayong araw para sa ating lahat dahil sabay-sabay papanoorin kung sino ang mananalong Miss Universe 2008 sa live via satellite telecast mula Nha Trang, Khanh Hoa, Vietnam sa ABS-CBN, 9:30 AM, at may primetime telecast sa Studio 23 sa Martes (July 15), 7:30 PM.
Suportahan na ang ating pambatong si Jennifer Barrientos at tunghayan ang natatanging pagsasama-sama ng 80 naggagandahan at nagseseksihang mga kababaihan mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo upang paglabanan ang pinakaaasam na titulong Miss Universe.
Ang naturang kumpetisyon na pangungunahan ng hosts na sina Jerry Springer ng America’s Got Talent at Melanie Brown ng Spice Girls, ay huhusgahan base na rin sa tatlong kategorya— swimsuit, evening gown at interview.
Noong nakaraang taon, naiuwi ni Riyo Mori ng Japan ang korona at nakapaglakbay na sa buong mundo para maging tagapagsalita sa edukasyon, pananaliksik at batas sa HIV/AIDS.
Ang Miss Universe ay isa sa pinakamalaking pageant na ipinapalabas worldwide sa mahigit 170 bansa. Ito ay nagbibigay pagkakataon para sa mga nagnanais maging role models na maging aktibo sa iba’t ibang advocacy.
Si Jennifer na kaya ang magiging pangatlong Miss Universe ng bansa?