Taiwanese heartthrobs dinumog!
Bumigay ang libu-libong fans sa nakahuhumaling na kisig at kagwapuhan ng pinakamainit na Taiwanese heartthrobs ngayon na sina Wu Chun at Calvin Chen na dumating sa bansa last Saturday morning.
Pagdating pa lang sa airport ay kagulo ang mga sumalubong na mga tagahanga ng dalawa na pumunta dito sa Pilipinas para i-promote ang kanilang hit afternoon series sa ABS-CBN na Romantic Princess.
Hectic na hectic ang naging schedule nina Chun at Calvin dahil sa sunud-sunod nitong guestings sa iba’t ibang Kapamilya shows pagdating pa lang nila.
Unang sinabak ang dalawa sa kanilang first television interview sa Entertainment Live kung saan halos di magkamayaw ang mga fans.
Lalo namang binighani ng dalawa ang puso ng mga Pinoy kinagabihan nang maghandog ito ng isang espesyal na number sa live Expulsion Night ng Pinoy Dream Academy Season 2.
Nag-appear din sila ng live sa ASAP 08 (na balitang nagkaubusan ng ticket dahil sa kanila) at sa The Buzz.
Maliban sa pag-promote ng kanilang show, dinala ng ABS-CBN sina Chun at Calvin sa bansa bilang bahagi na rin ng ika-55 taong selebrasyon ng Kapamilya Network.
Nauna nang dinala ng ABS-CBN ang iba pang Asian superstars na sina Lee Dong Wook ng My Girl, Eugene ng Save the Last Dance for Me at Wonderful Life at siyempre pa ang di makakalimutang pagdalaw ni Jerry Yan at Vic Zhou ng F4 kasama ang Meteor Garden leading lady na si Barbie Zhu.
Unang minahal ng sambayanan si Chun bilang Bryan sa original hit romantic-comedy series na Hana Kimi. Kilala rin siya bilang miyembro ng Asian singing sensation na Fahrenheit, kung saan miyembro din ang co-star na si Calvin.
Kasalukuyan silang mapapanood sa Romantic Princess na nasa huling dalawang linggo na nito.
Matapos mabunyag ang lihim ni (fake Jana), isang komprontasyon ang magaganap kina Jana, Jin at Emp na mauuwi sa pagpapalayas ng matanda sa dalawa sa kanyang mansion.
Sila ay titira pansamantala sa dating apartment ni Jana. Si Jin ay magtatrabaho muna bilang construction worker para matustusan ang kanilang pangangailangan samantalang si Jana ang bahala sa pagluluto at pag-budget ng kanilang pera.
Aatakahin sa puso si Emp kaya agaran ding babalik ang dalawa sa bahay kung saan sasabihin na ni Jin na handa na siyang pakasalan si Jana at maging tagapagmana ng family business.
Hindi naman papayag si Jana na mahadlangan ang pangarap ni Jin kaya hahamunin niya ang board of trustees.
- Latest