Nakikilala na ang all-female dance group ng Eat Bulaga na EB Babes maging sa labas ng long-running noontime variety show ng GMA. Hindi naman nakapagtataka na magkaroon ng sariling fan base ang EB Babes dahil bukod sa naggagandahang mga dilag ang kabilang sa grupo, may kani-kaniyang talent din ang mga ito. Ang 11 mga dalaga na miyembro ng EB Babes ay may kani-kaniyang mga followers na rin at nakakapag-guest na rin sila sa ibang mga TV shows at mayroon ding mga special performances.
Opisyal na ni-launch sa Eat Bulaga ang EB Babes noong Agosto 12, 2006 matapos ang masugid na selection process na ginawang Reality TV segment sa Eat Bulaga. Mula sa daan-daang mga babaeng nag-audition para makakuha ng slot sa binubuong dance group, 30 lamang sa mga aplikante ang nabigyan ng pagkakataon na makasama sa EB Babes training camp, kung saan sumailalim sila sa mga training para lalong mailabas ang kanilang mga talento. Matapos ang isang buwan na training at lingguhang elimination, 10 sa mga hopefuls ang idineklarang mga opisyal na EB Babes.
Ang 23 year old na si EB Babe Angel ang pinakamatanda sa grupo at kinikilalang Street Jazz Babe, sinundan ni EB Babe Ann bilang Ballroom Babe, Belle bilang Diva Babe, Joyce bilang Cheerleading Babe, Kim bilang Comedy Babe, Lian bilang Dance Stunts Babe, Madel bilang Gymnastics Babe, Mae as Acting Babe, Mergene bilang Photogenic Babe, at Saida bilang Bellydancing Babe.
Nadagdagan ng dalawang miyembro pa ang mga EB Babes noong Marso dahil muling pinatawag ang mga eliminated finalists para patunayan na karapat-dapat pa rin silang makasali sa grupo. Sina EB Babe Brenda at EB Babe Maiko ang mga bagong nadagdag sa all-female group.
Nasa ilalim ng exclusive management ng TAPE, Inc. ang EB Babes at mga regular Eat Bulaga Dabarkads din sila.