Namamayagpag pala sa ere ang Ako si Kim Samsoon ni Regine Velasquez. Ako, hindi nagulat dahil malaki ang following ni Kim Samsoon kahit na noong ito ay isang Koreanovela pa. Maganda kasi ang istorya tungkol sa isang babaeng mataba na nagustuhan ng isang lalaking guwapo na mayaman pa. O ’di ba may element ng fairy tale? At ito ang gustung-gusto ng mga manonood sa TV, lalo na ng mga babae.
Tapos si Regine pa ang bida, eh si Regine bukod sa isang magaling na singer ay mahusay ring aktres. Ang galing-galing nang magpaiyak, magaling ring komedyante. Kahit na pinapangit siya, wala siyang keber, basta mapaganda ang seryeng kinasasangkutan niya.
Ayun, nagbunga ng maganda ang efforts niya, nilang lahat, habang nagtatagal, parami nang parami ang nagiging tagahanga ni Kim Samsoon, este ni Regine pala.
* * *
Enjoy din si Ogie Alcasid sa Kim Samsoon, not only because title roler ang girlfriend niya kundi dahil cute at maganda ang kwento. Sa kanya na rin nanggaling na cute na magkapareha sina Regine at Mark Fernandez. At kahit maraming love scenes at kissing scenes ang dalawa, okay lang sa kanya. “Kung kinakailangan sa istorya, okay lang, wala akong dapat na ipagselos,” sabi niya.
* * *
Aba, panay ang abroad ng magdyowang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Napaka-in demand nila sa ibang bansa. Balita ko, kasama sila sa tropa ng Eat Bulaga na magso-show sa Europe, aba bongga! Buti na lamang at wala pang nasisimulang serye si Juday sa kabila. Ito marahil ang dahilan kung bakit sinasamantala niya ang pagtanggap ng mga shows sa abroad, para naman kapag nagsimula na siya ng trabaho sa Dos ay libre na siya, makakapag-concentrate na siya rito.
Nagpaliwanag na ang dalawa na bukod sa kanilang engagement ay wala pang nangyayaring kasalan sa kanila. Naniniwala ako na hindi nila ipaglilihim kapag nag-decide sila to tie the knot.
* * *
Totoo ba itong nabalitaan ko na kinausap ng masinsinan ni Sharon Cuneta ang kanyang anak na si KC Concepcion nang bisitahin niya ito sa set nila ni Richard Gutierrez?
I’m sure wala itong kinalaman sa pagpapadala nito ng kahun-kahong pizza sa bahay ng kanyang ama.
Ang pizza ay inorder niya sa kanyang tita, kapatid ni Gabby, na ito ang negosyo.
Hindi rin marahil dahilan ito sa closeness nila ni Richard.
Takot ba si Shawie na maulit ang naging kasaysayan niya kay KC, nang maaga siyang magtanan at magpakasal sa ama nito?