Regine ikinumpara  ni Mark Anthony kay Michael Jackson

Si Annabelle Rama na ang nag-announce sa Startalk last Saturday na two producers ang nag-o-offer ng pelikula sa kanya kasama si Manny Pacquiao. Pero dahil exclusive ang contract niya sa Regal Entertainment, sa movie company ni Mother Lily Monteverde at GMA Films niya gustong gawin ang pelikula.

Makikipag-meeting daw siya kay Mother Lily at kay Annette Gozon-Abrogar pagdating ng una from Paris, kung saan dumalo ito sa Paris Cinema Film Festival. So, ibig sabihin, hindi ang My Monster Mom ang last movie ni Annabelle this year.

Si Joey Reyes ang gustong director ni Annabelle sa lahat ng pelikulang gagawin niya’t bilib siya rito at hindi siya napupuyat dahil maagang nagpapa-pack up ng shooting. Gusto rin ng director na makatrabaho uli si Annabelle na pinapatawa siya on and off cam.

* * *

Idenepensa ni Mark Herras si Robin Padilla sa isyung nakikialam ang actor sa script, editing at direction ng Joaquin Bordado na nagiging dahilan ng tensyon daw sa taping ng action series.

Sabi nito: “Hindi pangingialam ’yon, inaalam lang niya ang buong story at ’pag imposibleng mangyari, pinapapalitan niya at ginagawa kung ano ang tama at parehas. Ang maganda sa kanya, hindi selfish at tinuturuan kami ng tamang kilos sa stunt. Gaya ko, pinayuhan niya akong ’wag magmadali ’pag gagawa ako ng fight scene. Sa totoong buhay, bara-bara kung makipaglaban tayo, pero sa TV, iba at iyon ang natutunan ko sa kanya.”

Hanggang next week na lang ang Joaquin Bordado na umabot ng 22 weeks sa ere. How is it working with Robin?

“Masaya siyang katrabaho at ’pag kayo ang magka-eksena, aalagaan ka. Actually, buong cast ay inaalagaan niya. Sa drama scenes, hindi siya nagmamadali, binabagalan niya para maramdaman ang eksena. Malalim si Kuya Binoe, nakikita ang love niya sa trabaho at sana magkaroon pa ako ng chance na muli siyang makatrabaho,” wika ni Mark.

Malaki ang respeto ni Mark kay Robin, kaya hindi siya natuwa sa pagli-link sa kanila sa anak nitong si Kylie Padilla. “Nagulat ako sa tsismis sa amin, pati ba naman yung bata i-link sa akin? Ang takot ko lang kay Kuya Binoe,” dagdag pa ni Mark.

Samantala, mapapanood si Mark at ang buong cast ng Joaquin Bordado sa kanilang mall show sa SM City Valenzuela, 4 p.m. this Sunday. Kakantahin naman ng Shamrock ang theme song ng series na ’Wag Kang Matakot at si Maricris Garcia naman ang kakanta ng love song.

* * *

May dagdag sa cast ng ITALY na bawal pang pangalanan dahil sorpresa siya at masyado pang maaga para siya’y makilala. Inilihim sa press ang shooting nito last Monday para hindi masulat, pero may nagtsika pa rin sa amin, kaya lang, pinag-promise kaming hindi ibubuking ang identity nito.

Kaya heto, kahit gustung-gusto namin siyang pangalanan, nagpipigil kami at kahit magbigay ng clue kung sino siya ay ipinagbabawal. Masyado pa raw maaga para ipaalam kung sino ang artistang dagdag sa cast ng movie, dahil sa August 6, pa ang playdate nito.

Masaya raw ang shooting at welcome ang dagdag sa cast sa original cast ng movie at nagkaroon pa ng instant reunion sa set.

* * *

Marami ang natutuwa kay Mark Anthony Fernandez sa role nitong si Cyrus Ruiz sa Ako Si Kim Samsoon. Bagay na bagay daw sa actor ang mag-lead sa isang rom-com o romance comedy series dahil guwapo at keri rin nitong magpatawa.

Matagal na palang nire-request ni Mark sa GMA 7 na bigyan siya ng comedy show, kaya tuwang-tuwa itong natupad ang matagal ng pangarap. Malaking bonus din sa kanya ang makapareha si Regine Velasquez at sana ’di magselos si Ogie Alcasid at ang wife niyang si Melissa sa inaming one of the best things na nangyari sa kanyang series ay ang kissing scene nila ng Songbird and to think na smack kiss pa lang ang nakukunan nang makausap namin siya at wala pa ang mas passionate na kissing scene nila.

Nakakaintriga lang na kay Michael Jackson ikinumpara ni Mark Anthony si Regine na pati ito’y nagulat sa narinig. Ang paliwanag naman ng actor, mala-MJ ang singer-actress dahil sa status nito na akala mo’y mahirap maabot at mahawakan, pero malalaman mong mabait at “cowboy,” ’pag nakatrabaho muna.

“Akala ko lang pala suplada siya, humble na humble pala siya, down-to-earth at nakaka-relax sa set. Dream come true for me to work with her and be in this project. Honored din akong makasama ang buong cast at honored akong maging part ng GMA. Kaya mahal na mahal ko ang GMA for life,” pahayag ni Mark.

Samantala, patunay na gustung-gusto ng viewers ang Ako Si Kim Samsoon ay ang request nila sa Channel 7 na maglabas ng DVD para kahit tapos na ang series, may paulit-ulit silang mapapanood. Naka-specify din sa request ng viewers kung anong special feature ang gusto nilang mapanood sa DVD.

Show comments