Proseso ng annulment ni Vhong mabagal

Siguradong naiinip na si Vhong Navarro sa resulta ng annulment nila ng ex niyang si Bianca Lapuz. Parang usad pagong kasi. Ang tagal na nga namang nai-file, apat na taon na pero hanggang ngayon wala pa ring malinaw na resulta kung papaboran ba ng korte ang annulment nila. Pero ayaw mag-comment ni Vhong sa issue dahil bawal na itong pag-usapan since nasa korte na nga.

Kung tutuusin nga naman kasi, may mga kaso ng annulment na madaling naayos at nari-resolve pero mukhang ang kina Vhong ay mahaba-haba pa ang itatakbo ng proseso.

Kaya nga kahit common knowledge  na may kanya-kanya na silang buhay ni Bianca, walang masyadong naririnig sa kanila. Si Bianca nga, may ibang anak na hindi si Vhong ang tatay, na puwede sanang maging ground para mas mapadali ang annulment nila.

Si Vhong naman, kitang-kitang maligaya sa piling ni Desiree del Valle pero ayaw niya talagang masyadong magkuwento dahil pa rin sa nasabing annulment.

Anyway, hindi big deal kay Vhong kung hindi siya bida sa I Love Betty La Fea ni Bea Alonzo. Actually kung tutuusin, puwede na siyang mag-demand ng role dahil nagkaroon na siya ng sariling serye, ang Lastikman. Marami-rami na rin ang solo movie niyang kumita. “Wala naman sa akin yun. Si Chito (Roño, manager ni Vhong) naman ang nagdi-decide. Saka maganda naman ang role. Gagawin ko rin naman after nito yung Lastikman uli kaya okey lang,” sagot ni Vhong nang uriratin siya sa kanyang role bilang Nicolas na bestfriend ni Betty La Fea.

Anyway, halos kumpleto na ang cast ng Betty La Fea except sa character ni Armando. Siya na lang ang hindi ini-introduce kung sinong gaganap. Dati sinabi nang si John Lloyd Cruz pero naiba ang ihip ng hangin at balitang naghahanap pa sila hanggang ngayon.

Show comments