Seen: Ang billboard ni Joem Bascon sa Edsa, Guadalupe. Look-alike si Joem ni Piolo Pascual. Marami ang nalinlang ng billboard dahil sa malaking pagkakahawig nina Joem at Piolo.
Scene: Absent si Nadine Samonte sa presscon ng Ako Si Kim Samsoon. Walang nakapansin sa non-appearance ni Nadine na matagal nang may kinikimkim na tampo sa GMA 7 at ayaw nang ipa-manage ang career sa Artist Center.
Seen: Ang teaser ng Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN. May linya si Claudine Barretto sa Iisa Pa Lamang tungkol sa pagmamahal na halos kapareho ng dialogue ni Judy Ann Santos sa Ploning.
Scene: Hindi nakakatawa ang karakter ni Rufa Mae Quinto sa Dyesebel. Panahon na para bigyan si Rufa Mae ng challenging roles ng GMA 7.
Seen: Ang mga e-mail ng mga tao na hindi pabor sa relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Personal ang mga banat nila sa dalawa. Hindi sila masaya na nakikita na maligaya sina Juday at Ryan.
Scene: Ang mga kadramahan ng mga scholar ng Pinoy Dream Academy. Dismayado ang PDA viewers kay Jun Ross Dio na nag-voluntary exit dahil nami-miss niya ang kanyang pamilya. Maskulado at malaking lalake si Jun Ross Dio ngunit wala siyang ginawa kundi ang umiyak sa loob ng PDA. Nagkamali ang judges sa pagpili sa kanya.
Seen: Si John Lloyd Cruz sa tapat ng Mandarin Hotel, Makati Avenue noong Lunes. Nakasakay si John Lloyd sa isang itim na sasakyan at nakatutok sa kanya ang mga kamera ng Star Cinema dahi kinunan ang mga eksena niya sa A Very Special Love, ang pelikula nila ni Sarah Geronimo.
Scene: Ang nakapagdudusa na pag-arte ni Iwa Moto sa Magdusa Ka. Nagdurusa ang mga nanonood sa kanya sa Magdusa Ka. Nakaririndi rin ang acting niya sa My Monster Mom.