John Lloyd proud makahalikan si Sarah

Ang ganda-ganda ngayon ni Sarah Gero­nimo pero kahit she’s turning 20 ay ayaw pa nitong magpaligaw. Kaya nang tanungin ito sa presscon ng A Very Special Love kung meron nang nanliligaw sa kanya ay panay ang tanggi niya.

Ayon sa aktres, wala namang nanliligaw sa kanya pero may isang nagpapa­haging. Nang kulitin siya ng press kung sino ito ay bigla siyang sumagot ng “Ay secret” kaya di rin siya napilit dahil naroon ang kanyang mommy.

Sa dakong huli, umamin din itong si Mark Bautista yun pero hindi ito nagpursige dahil ang turing sa kanya ni Sarah ay parang kuya.

Hindi pa rin ito ready magpahalik sa leading man na si John Lloyd Cruz kaya pinag-iisipan pa ni Direk Cathy Molina kung paano gagawin ang kanilang kissing scene ng aktor para magkaroon din ng kilig at romantic angle ang movie.

Para kay John, proud siya kapag pumayag si Sarah na magkaroon sila ng kissing scene.

“Kapag dumating ako sa 50 o kaya’y 60 years old ay magiging bahagi ng buhay-artista ko na una akong nakahalikan ni Sarah sa unang movie na pinagtambalan namin. Kaya magiging proud ako,” ani John.

Puring-puri ni John ang kanyang leading lady at sinabing very lovable ito hindi lang bilang artista kundi as a person.

* * *

Natawa kami sa sinabi ni Annabelle Rama na noong una siyang nag-artista ay nagpapakita lang siya ng boobs pero ngayon ay nakatikim siya ng totoong pelikula.

Maganda rin ang sinabi ni Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang mommy sa presscon ng My Monster Mom.

“’Pag nakilala ng tao si Mommy mamahalin siyang talaga. Kahit monster siya kahit sa totoong buhay ay nangingibabaw pa rin ang kanyang good traits, talagang ’pag inapi ang kanyang mga anak ay ipinaglalaban niya kaya mahal namin siya,” sabi ni Ruffa.

Sayang nga at sa trivia o pagbabalik-tanaw tungkol sa ugali ni Annabelle ay ’di ko nai-share yung naging kwentuhan namin noon tungkol sa friendship ni Manay Ethel Ramos. Kasi sabi namin ay mahirap makakita ng tunay na kaibigan sa showbiz.

Pero ayon kay Manay, tapat na kaibigan si Annabelle at napatunayan niya ito sa pagdaan ng maraming taon. Hindi niya makakalimutan ang kabaitan nito at pagiging caring sa kapwa.

Mapapanood ngayong Linggo ang The Making of  My Monster Mom pagkatapos ng Pacquiao-Diaz boxing fight sa GMA 7 at may premiere night sa SM Megamall. Inaasahang magiging monster hit ito sa takilya.

Show comments