Patawa-tawa lang pagpapalayas ni Kris kay James wa epek

Noon, takot magsuot ng pink shirt ang lalaki dahil baka tawaging bakla. Ngayon, pag nagsuot ng pink ang lalaki, mako-consider na totoong lalaki.

‘Yan ang trend ngayon. Kasi pag real gentleman ka, wa kang pakialam sa reaction ng marami kung magsusuot ka ng pink. Kasi ang mga nagtatago, hindi puwedeng magsuot ng pink dahil conscious silang baka mahalatang bakla sila. Kaya nga nang i-approach si Richard Gutierrez para maging endorser ng Flawless sa kanilang Real Gentleman in Pink campaign, hindi siya nagdalawang isip.

In fairness, walang takot si Richard na tawagin siyang bakla dahil sa pink color.

Kung sabagay never namang pinagdudahan si Richard kaya lang siya apprehension kung anong reaction sa kanyang latest endorsement.

Ayon sa isa sa may-ari ng Flawless na si Ms. Rubby Coyuito, wala silang ibang choice para sa Real Gentleman campaign kundi si Richard lang talaga.

“To us, Richard epitomizes the Real Gentleman persona. He is such a beautiful person. He is very handsome and he gives importance to his looks. But not only that, he is also a very involved person as he also busies himself with socio-civic work like his Green Peace Movement advocacy. Richard shows us a good balance of this that’s why we know that he is perfect for the campaign.

At bakit nga ba pink? “Pink has always been the color of Flawless and generally percieved to be a predominantly female territory. With this launch, we are making a statement to everyone that Pink is also a gentleman’s color and Richard is the perfect pitch for Flawless to stress that idea,” dagdag pa nga ng isa sa may-ari.

Ang Flawless ay may 21 branches sa bansa.

* * *

Umuwi na uli si Kris Aquino sa bahay nila sa Valle Verde. Hindi naman sila actually naghiwalay, pero true raw na pinalalayas ni Kris ang asawa niyang si James Yap sa bagong bahay nila sa Valle Verde. Kaya lang, hindi raw umalis si James dahil ayon sa source, baka naisip nito ang share sa bago nilang bahay. Yup, malaki-laki rin daw ang naimbag nito sa bagong tayo nilang bahay, P6 million na kita niya sa paglalaro ng basketball.

At since hindi raw umalis si James ng bahay, si Kris ang umalis bitbit ang anak niyang si Baby James. Kaso tinikis daw ni James na hindi dalawin ang kanyang mag-ina na nag-check in sa Discovery Suite. Kaya ayun ang ending, umuwi rin ang mag-ina sa bahay nila.

Hindi pa nagsasalita si Kris tungkol sa issue.

Pero marami nang sanga-sangang kuwento. Like isa raw sa rason ay may babae si James at madalas itong magbabad sa mga bar dahil hindi na nga raw sila nagkakasundo ni Kris at madalas na silang mag-away. At nang i-text si James ng isang sports writer, say nito: “Di totoo yan, chismis lang ‘yan. Hehehe.”

Though may nagdududa rin na baka naman gimik lang ito para mas marami pang mag-subscribe sa Ktext ni Kris at mawawalan daw ito (Kris)  ng isang show sa ABS-CBN. Pero say ng isang reliable source, matagal na silang may problema na inaamin ito ni Kris. (Salve V. Asis)

Show comments