Pauleen sawa na sa suha diet!

Ang nagagawa ng pag-ibig ang sagot ko sa mga nagtatanong sa akin sa pagpayat ni Pauleen Luna.

Ginulat ni Pauleen ang mga reporters na nagpunta sa presscon ng Ako si Kim Sam Soon dahil sa kanyang kaseksihan.

Iba kasi ang pagkapayat ngayon ni Pauleen. Walang bahid ng baby fats sa kanyang katawan at seksing-seksi ang korte ng kanyang beywang at balakang.

Ang sikreto ni Pauleen? Diet, diet, diet!  Maingat na siya sa pagkain pero itinigil na niya ang kanyang suha diet dahil nagsawa na siya.

Ang maya’t maya na pagkain ng suha ang secret ng pagpapapayat noon ni Pauleen.

Effective naman ang suha diet pero nagsawa rin siya  at naghanap ng ibang paraan ng pagpapapayat.

* * *

Malaking balita sa buong mundo ang perwisyo ni bagyong Frank sa ating bayang magiliw.

Ibinalita sa Good Morning America ang nakakalokang pinsala ni Frank sa Pilipinas.

Si Frank ang tumabon sa balita tungkol sa pag-kidnap at pagpapalaya kay Ces Drilon at sa cameramen ng ABS-CBN.

Umiral na naman ang humor ng mga Pinoy. Isang Drilon si Ces pero si Frank na hindi Drilon ang nag-alis sa kanya sa mga headline.

Nabasa ko sa mga diyaryo na magkakaroon ng senate hearing tungkol sa pagkidnap kay Ces at invited ito sa Senado.

Kapag nangyari ito, makakapanood uli ng real-life drama ang sambayanang Pilipino dahil sure ako na itatanong ng mga senador ang nakakalokang karanasan ni Ces sa piling ng Abu Sayyaf.

* * *

Feeling busy ako kahapon. Nagpunta ako sa birthday presscon ni Ruffa Gutierrez at sa grand launch kay Richard Gutierrez bilang bagong endorser ng Forever Flawless.

Siyempre, kulay pink ang suot ni Richard dahil only a real gentle­man can wear pink ang sey ng Forever Flaw­0less.

Lalong madaragdagan ang kliyente ng Forever Flawless dahil siguradong pupuntahan sila ng libu-libong fans ni Richard.

* * *

Abala kahapon ang mga reporters. Mula sa birthday lunch ni Ruffa, dumiretso sila sa presscon ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa Star Cinema, ang A Very Special Love.

Rest lang sandali dahil 5 p.m naman ang presscon ng Forever Flawless at go sila sa awards night ng Entertainment Press.

Win sa Enpress Awards sina Lorna Tolentino at Senator Jinggoy Estrada. Dumalo si LT para personal na tanggapin ang kanyang best actress award para sa performance niya sa Katas ng Saudi at ang award para kay Rudy Fernandez.

Naniniwala ako na ginagabayan ni Rudy ang mga mahal niya sa buhay. Nag-win ng award si LT, maganda ang takbo ng career ni Mark Anthony Fernandez at interesado ang isang TV network na i-build up si Renz.

Type ni Raphe na maging direktor at very promising siya. Hindi ako magugulat kung sundan niya ang yapak ng kanyang lolo na kilala bilang mahusay na direktor noon, si Gregorio Fernandez na pinagkunan ng tunay na pangalan ni Raphe na Ralph Gregory.

Show comments