Gretchen absent sa birthday ni Ruffa

Seen : Hindi nag-abot si Rufa Mae Quinto at ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa birthday party ni Ruffa Gutierrez sa Blue Leaf noong Sabado ng gabi. Nakaalis na ang mag-asawa nang dumating si Rufa Mae. Parang sinadya na huwag silang magkita-kita sa isang lugar.

Scene : Extra-effort ang kailangan ni Jolina Magdangal upang patunayan sa kanyang detractors na karapat-dapat siyang judge ng Pinoy Idol. Iwasan niya ang pakikiayon sa mga opinyon nina Ogie Alcsid at Wyngard Tracy. Umiiral ang kabutihan ni Jolina, ang kanyang ugali na huwag makasakit ng damdamin ng kapwa.

Seen : Walang Gretchen Barretto na dumating sa birthday party ni Ruffa Gutierrez. Kung dumalo si Gretchen, nagkita sana sila nina John Estrada at Nadia Montenegro, ang mga dating kaibigan na nakasamaan niya ng loob.

Scene : Big deal sa fans nina Angel Locsin at Marian Rivera ang tatanghalin na  number one o 2008 Sexiest Woman ng FHM. Wala kina Angel at Marian ang numero uno dahil Hollywood star na babae ang number one sa FHM Philippines at  sa buong mundo.

Seen : Mahusay na hairstylist ang kailangan ni John Lloyd Cruz. Boring tingnan ang kanyang hairstyle.

Scene:  Kung may offer ang ABS-CBN kay Lorna Tolentino, may kontra-offer din ang GMA 7. Kung ano ang tatanggapin ni Lorna, malalaman ito kapag nagdesisyon siya na maging aktibo sa showbiz.

Seen :  Ang maigsing buhok ni Cristine Reyes, bunga ng kanyang pagiging impulsive. Gumagamit ngayon si Cristine ng hair extension dahil sa role niya sa Eva Fonda.

Scene : Dalawang malaking pelikula ang itatapat ng ABS-CBN sa laban nina Manny Pacquiao at David Diaz sa susunod na Linggo. Mataas ang viewership rating ng mga laban ni Manny sa boksing. Gustong makatiyak ng ABS-CBN na hindi sila maagrabyado  ng GMA 7 sa ratings game.

Show comments