^

PSN Showbiz

‘That was below the belt, Mr. Wyngard’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Buti na lamang at hindi ko napanood yung episode ng Pinoy Idol (PI) na kung saan pinagsabihan ng isa sa mga tuma­tayong judges ng nasabing reality search ng GMA 7 ang isa sa mga contes­tants (na hindi napasama sa Top 12) na mas bagay daw ito sa Walang Tulugan. Nasira sana niya ang aking gabi.

Marami ang nagtawagan at nag-text sa akin, lahat nagtataka kung bakit daw iyon ginawa ni G. Wyngard Tracy. Meron daw ba kaming alitan? Feeling kasi nila tuwirang paghamak iyon, kung hindi sa akin ay sa aking programa na katulad ng Pinoy Idol ay programa rin ng GMA. Kung ang programa niya ay pinaghihirapang i-promote, ganoon din ang Walang Tulugan kahit pa dis-oras ng gabi ito ipinalalabas. Isa pang Kapuso ang sisira sa aming pinaghihirapan?

Bagama’t napakaganda ng paliwanag na ibinigay sa akin ng bossing ng PI na si Ms. Hazel, na hindi raw masama ang pakahulugan ng PI judge sa kanyang binitiwang salita, napayapa niya ang galit ko pero hindi niya ako nakumbinsi.

* * *

Congratulations kay Dennis Trillo, ang daming pumupuri sa acting niya sa Magdusa Ka. Bumalik daw ang galing na unang nakita nila sa kanya sa Aishite Imasu at Blue Moon na kung saan hindi siya nilamon sa pag-arte nina Eddie Garcia at Christopher de Leon. For a while kasi, hindi nakita ang brilyo ng pag-arte ni Dennis, parang naglalaro lamang siya. Ano kaya ang nag-inspire sa kanya para muling pagbutihin ang pag-arte?

* * *

Maganda ang Urduja, entertaining. Akala ko kasi pambata lang, mag-i-enjoy din pala ang mga kaedad ko. Muli hinangaan ko ang galing ng ating mga animators. Kaya naman pala sila kinukuha sa abroad, ’di lang dahil sa swerte kundi dahil talagang may talent sila. Dito sa Urduja, binigyan sila ng recognition ni Tony Tuviera, ang producer na nangarap at nakagawa ng kauna-unahang full-length animation movie. Aba, hindi biro ang mahigit sa P20 M na ibinigay niyang budget sa pelikula at ang mahigit na 11 taong paghahanda para magawa ito. Ngayon, pwede na tayong magmalaki na nakagawa tayo  ng isang Urduja na hindi pala historical but a fictionized love story.

Ang galing talaga ni Regine Velasquez. Hindi kataka-takang ipagpilitan ni G. Tuviera na sa kanya ipa-boses si Urduja. Bukod sa ginamit na ang boses niya, ibinigay pa ang mukha niya rito.

Maganda rin ang melody ng mga komposisyon ni Joey de Leon at nilagyan ng lyrics ni Ogie Alcasid. Or is it vice versa? Whatever, magaling ang musical tandem nila.

Again, congratulations sa kanilang lahat!

AISHITE IMASU

BLUE MOON

PINOY IDOL

URDUJA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with