That’s Entertainment bubuhayin sa Canada
Akala ko mga Pilipino lamang dito sa atin ang sabik na ma-revive ang That’s Entertainment, ganito rin naman pala ang sentiment ng mga Pinoy sa
Kaya balak nilang i-revive ang programa sa isang malaking palabas na kung saan magpapagalingan nang pagkanta ang mga kababayan natin na doon na namamalagi sa
Nag-imbita sila ng ilang mga local entertainers natin na maggi-guest sa nasabing show.
Ako ang kinuha nila to host the show, with John Nite, Tirso Cruz at Jake Vargas.
* * *
Naging madamdamin ang paghahatid kay Rudy Fernandez sa huling hantungan. I’m sure nasaan man siya ngayon, masaya na siya dahil sa kanyang kamatayan nagawa niyang mapag-isa ang industriya. Walang galit-galit, bati-bati lahat!
Masuwerte na rin si Daboy na kahit maaga siyang kinuha ng Panginoon ay binigyan siya ng sapat na panahon para maiayos niya ang lahat, ’di lamang para sa kanyang pamilya kundi para rin sa mga kaibigan niya’t kapwa artista. Ang malaking turnout sa kanyang burol at libing ay isang patunay na siya ay well-loved.
Ipagdarasal ko na lamang ang mabilis na healing process ng kanyang mga inulila.
* * *
Nakakataba ng puso iyong maraming pagbati na tinatanggap ko for my portrayal in Paupahan (Crossroads). For this, malaki ang pasasalamat ko kay direk Joven Tan na siyang nag-guide para maibigay ko ang tamang pagganap. Salamat din sa magandang story and script ni Dennis Evangelista.
May nagtanong sa akin kung ano ang last movie ko. Alam n’yo ’di ko na matandaan sa sobrang tagal. Come to think of it, bihira nga akong gumawa ng movie. Hindi ko rin alam kung bakit. Baka naman walang naniniwalang prodyuser sa akin although hindi naman sa pagmamayabang kahit kokonti ang movies ko, nakakakuha rin ako ng mga acting nominations. Marami ang nagsasabi sa akin na dito sa Paupahan, mano-nominate din ako.
Ako naman e may nomination o wala, happy na ako na makagawa ng pelikula. After all, artista ako, sa pelikula ako nagsimula bago ako napunta sa telebisyon.
* * *
At least napatunayan ni Judy Ann Santos na may katuturan ang infomercial na ginawa niya for Meralco. Marami na ang nakakaintindi sa pagbayad natin ng kuryente, unlike before nailabas ang komersyal.
Iyon nga lang, halos lahat ’di pabor sa Meralco. Pero at least nakatulong na si Juday magsalaysay, kumita pa siya ng malaki.
- Latest