GoBingo mas pinalaki ang premyo
Mas bigatin at pinalaki na pala ang mga papremyong ipamimigay sa mga studio contestants at home viewers gabi-gabi ng Gobingo.
Isang kaabang-abang na Gobingo ang naghihintay sa lahat ng studio contestants at home viewers dahil isang brand new car worth P1 million ang nakahandang ipamigay sa Gobingo Bonus Plus! At tuwing Biyernes, mas pinalaking pampremyo ang hatid sa Gobingo Biyernes Bonanza sa lahat ng home viewers.
Sa Gobingo Bonus Plus!, may board na may numbes 1-15. Kailangan lang magbukas ang studio contestants ng 9 numbers na may Gobingo logos para manalo. Tatlong beses lamang siya maaaring magkamali at hindi lahat ng 15 numbers ay may Gobingo logos. Ang iba ay may sad face sa likod at kapag nakapagbukas siya ng tatlong sad faces, mahihinto na siya sa paglalaro. Kung hindi naman pinalad na makuha ang brand new car, may additional prize na P1,000 sa bawat Gobingo logo na mabubuksan.
Samantala, para naman sa mga home viewers, mas pinalaki ang papremyo kada araw sa Gobingo. Ang jackpot prize mula Lunes hanggang Huwebes ay P150,000 at tuwing Biyernes naman ay Gobingo Biyernes Bonanza. Karagdagang P200,000 ang isasama sa cash prize para sa mga home viewers. At maaari pa itong lumaki dahil kung hindi mapanalunan ang jackpot prize, iro-roll over ito sa susunod na episode.
Upang makasali ang mga home viewers, kailangang kumpletuhin nila ang proofs of purchase at ipalit ito sa selected Mercury Drug outlets nationwide para makuha ang kanilang Gobingo virtual playing car. Manonood lamang sila ng Gobingo at abangan ang mga maiilawang numero sa boards ng studio contestants. Dapat ay tumugma ang mga numerong nailawan ng studio contestants sa mga numerong nakalagay sa kanilang virtual playing card. Kung sino man ang unang maka-blackout gamit ang Gobingo virtual playing card ang siyang mananalo. Maaaring gamitin ang Gobingo virtual playing card ng isang linggo.
Kasama si game master Arnel Ignacio, mas exciting at mas masayang bumingo sa Gobingo.
Mapapanood ang Gobingo Lunes hanggang Biyernes bago mag-24 Oras sa GMA.
- Latest