Muling bubuhayin ng ABS-CBN ang diwa ng bayanihan sa puso ng mga Pinoy sa paglunsad ng panibago nitong advocacy campaign na Bayanijuan.
Isang orihinal na konsepto mula sa ABS-CBN Foundation, ang Bayanijuan ay naglalayong tumulong sa kapwa at mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino.
“Hindi lamang ito one-time project. Ipagpapatuloy ito ng ABS-CBN hanggang sa mga susunod na taon bilang pagtugon ang aming tungkuling paglingkuran ang bawat Pilipino,” paliwanag ni ABS-CBN Head of Program Marketing Zita Aragon.
Una nang isinagawa sa listahan ng mga proyekto ngayong taon ang feeding programa sa Bacolor, Pampanga na pinangunahan ng ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio kasama rin ang cast ng That’s My Doc, teen housemates ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, at mga artista mula Star Magic. Doon ay naghain sila ng pagkain para sa 500 kabataan, nakipaglaro, namigay ng bigas at iba pang mga regalo.
Kamakailan ay pormal na ring inilunsad sa bansa at sa buong mundo ang Bayanijuan sa simultaneous flag ceremony na ginanap noong Araw ng Kalayaan, kasama ang ABS-CBN management, mga empleyado, Regional Network Group sa Baguio, Cebu, Bacolod at Davao, and at maging sa North Amerika. Si Korina Sanchez ang host sa naturang event at sina Christian Bautista, Rachelle Ann Go at Mark Bautista ang kumanta ng pambansang awit.
Mismong pinili ni Charo ang Bayanijuan (na isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN Foundation) para maging flagship program sa ika-55 taon pagdiriwang bilang TV station ng ABS-CBN.
Upang mas lalo pang maipaabot ang mensahe/ kampanya sa marami pang tao, isang music video para sa theme song nitong Bagong Simula ang ginawa kung saan mga sikat na rock vocalists na sina Kevin Roy (Razorback), Marc Abaya (Kjwan), Yael Yuzon (Spongecola), Kitchie Nadal at Yeng Constantino ang kumanta at isang website ang ginawa din ng ABS-CBN Interactive para dito (www.bayanijuan.org).
Ilulunsad na ang naturang proyekto sa ASAP 08 ngayong Linggo, June 15.
Para sa mga nais magbigay ng donasyon, makipag-ugnayan lamang sa hotline na 922-4842. Para sa mga cash donations, i-deposit lamang ang pera sa Banco De Oro account ng ABS-CBN Foundation na may detalyeng: Branch Name: BDO Mother Ignacia, Account Name: ABS-CBN Foundation, Inc., and Acct Number: 5630060113.