Nagkasabay dumalaw sa burol ni Rudy Fernandez noong Sabado ng gabi, sina Ara Mina at mga taga-GMA 7 sa pangunguna ni Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment TV ng network. Inabangan ng mga nasa Heritage Park Chapel ang mga susunod na mangyayari sa pagkikitang ’yon ng actress at ibang bosses ng istasyong kanyang iniwan at dinig namin ang bulungan ng mga katabi namin na mukhang wala raw mangyayaring batian, lalo’t sa kabilang row naupo ang actress.
Na-disappoint nga lang ang nag-akalang may isnabang mangyayari dahil pagtayo ni Ms. Wilma ay lumapit si Ara at bumeso rito at ginantihan din ng beso ang kanyang bati sa dati niyang boss sa Channel 7.
Tama na iyon, kahit hindi sila nag-usap dahil sabi nga namin hindi uso ang matagal na kuwentuhan sa wake. Either magdadasal ka o sasabay sa pananahimik nang nakararami. Sa susunod nilang pagkikita, baka mag-tsikahan na sina Ara at Ms. Wilma.
* * *
Na-text sa amin ni Angeli Pangilinan-Valenciano kung gaano ka-successful ang His Love concert ni Gary Valenciano sa Nokia Theater sa Los Angeles na venue ng finals ng American Idol. Binigyan ng four standing ovations si Gary ng 5,000 audience na tuwang-tuwa sa kanilang napanood.
Kabilang sa nanood kay Gary ang 42 American employees ng West LA Music, isang American retailer of music instruments who services Stevie Wonder, Carole King, Kidrock, the Jacksons at iba pang mga singers, bands, and musicians.
Guest ni Gary si Martin Nievera at klik sa tao ang RondoAla Turk/Tonight medley, ang palitan nila ng kanta at ang panggagaya ng huli sa una. Pati ang guesting ni Gab Valenciano ay nagustuhan din ng mixed crowd.
Pinalakpakan at binigyan din ng standing ovation si Paolo Valenciano sa Beatles medley nila ni Gary at muntik maiyak ang bagets sa tuwa. Nagustuhan din namin ang portion na ’yon ng concert ni Gary nang mapanood namin sa Music Museum.
Front act ng concert sina Apl de Ap at Taboo ng Blackeyed Peas, Jabbawockers Dancers at si Mico Aytona. Nanood ng concert sina Antoinette Taus, Nicole Anderson, Gary’s mom Grimi Ortiz and his brother Robby, mga kapatid ni Martin na sina Luigi at Gina Tabuena-Godinez.
Ang next show ni Gary ay sa Stockton Arena sa June 13, at Seattle Command Theater sa June 15. Hindi nakuwento ni Angeli kung kailan sila babalik ng bansa.
* * *
Suporta ni Mother Lily kay Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment ang grand presscon ng Urduja last Saturday. Marami pang tulong ang Regal producer sa kaibigang producer at sa pelikula nitong magsu-showing sa June 18, sa 100 theaters nationwide.
Nabanggit ni Mr. Tuviera na never niyang sasabayan ang showing ng mga pelikula ng Regal at ni Vic Sotto, bilang respeto sa kanilang pagkakaibigan.
Maganda ang sagot ni Mr. Tuviera sa tanong kung dream ba niyang maging Pinoy Pixar at Dreamworks?
Sabi nito: “Hindi! Wala ako sa liga nila. Gumawa lang ako ng movie na makakatulong sa Pinoy animators. Gusto ko lang makilala ang galing nila. Nangako ako sa kanila na kahit abutin ng 15 minutes ang credits ng Urduja, makikita nila ang names nila sa credit.” (Nitz Miralles)