Young actress ayaw mabuntis Pero ayaw paggamitin ng condom ang dyowa

Kaloka ang tsikang ito tungkol sa dating mag-dyowang young actor at young actress na away-bati ang drama. Minsan, alas-tres ng madaling-araw, tumawag si young actor sa kaibigan niyang actor din at nagtatanong kung anong puwedeng gamitin bukod sa condom. Ayaw daw ng girlfriend niya (that time) ng condom, kaya naghahanap siya ng ibang alternative para hindi magbuntis ang young actress.

Pero sa halip na tulungan, minura ang young actor nang kaibigang actor na tinawagan, dahil dis-oras nga naman ang tawag niya. Payo pa ng actor sa kaibigan, dapat alam nito ang gagawin sa mga gano’ng sitwasyon para hindi sila nakakaistorbo ng ibang tao.

Mabuti na lang na hanggang mag-break ang dalawa’y hindi nabuntis ang young actress, but for sure, hindi dahil sa condom ’yon, dahil ayaw nga niyang gumagamit ng rubber ang dating syota. Of course, hindi rin namin matatanong ang young actor kung anong ginamit niya palit ng condom, dahil siguradong itatanggi nitong nagalaw niya ang ex-gf. (NM)                           

Show comments