^

PSN Showbiz

Aktor muntik makulong sa abroad dahil sa kakatihan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Imbyerna pala ang mga Pinoy sa UK kay Madonna Decena. Remember her, siya yung Pinoy na nakapasok sa finals ng Britain’s Got Talent pero sadly, kelan lang ay na-eliminate.

Kasi bago raw mag-finals ang Britain’s Got Talent, nagkuwento si Madonna nang kung anu-anong kadramahan sa buhay as in yung tipong pinalalabas ang kadukhaan ng mga Pinoy at kung bakit siya nagtatrabaho sa UK.

Ayun daw tuloy, lumabas na mukhang kaaba-aba ang mga Pinoy workers sa nasabing bansa. Kaya nga imbes na mag-stay pa siya sa competition, ayun biglang natsugi dahil hindi na naki-join sa text brigade ang mga kababayan niya sa nasabing bansa.

Bakit nga ba ganun? Lagi na lang tungkol sa kadukhaan, kahirapan at kaaba-abang kuwento ng mga Pinoy ang parating kinukuwento ng mga kababayan natin na nakakasali sa mga contest o kung saan mang contest, puro kahirapan ang kanilang kuwento. Ang ending tuloy, nagmumukhang kawawa ang kababayan natin sa ibang bansa na para bang bawat Pilipino ay ganun ang kalagayan ng buhay sa bansa.

At naalala ko, mukha namang hindi dukha ang pamilya ni Madonna dahil nang makausap ito ng ABS-CBN news, mukhang sa exclusive school naman nag-aaral ang kanyang mga anak na pa-English-English pa nga eh.

Sana magdahan-dahan kasi ang mga Pinoy na mahilig magkuwento sa mga contest kung saan-saang bansa ng kahirapan ng buhay ng Pinoy kaya karamihan ay kinakaawaan na lang ang sarili.

* * *

True kayang muntik nang makulong sa ibang bansa ang isang TV host/actor?

Eh kasi ba naman, pati ba naman sa ibang bansa, umubra ang kakatihan nitong aktor na ito, kaya nakipagkutsabahan sa isang Pinay na kunan siya nang puwedeng mapaglalabasan ng init sa katawan. Masunurin naman ang Pinay sa aktor, kaya lang ang siste, policewoman daw ang nadampot nitong pan-regalo sa aktor kaya imbes na kaligayahan ang naramdaman ng aktor, kaba at tensiyon dahil idiniretso siya sa presinto ng nasabing pulis na nadampot ng bugaw niya.

Hay, may pakpak talaga ang balita. Imagine, sa Amerika pa nanggaling ang kuwento.

vuukle comment

AMERIKA

BANSA

GOT TALENT

MADONNA DECENA

PINAY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with