^

PSN Showbiz

Pero may launching na... Mga kanta ni KC ‘di pa naririnig ni Mega

-

Super kabado kahapon si KC Concepcion nang i-launch ng Sony BMG ang kanyang debut album titled a.k.a Cassandra sa Crowne Plaza in Ortigas.

Live kasing kumanta ang anak na panganay ni Mega ng tatlong kantang kasali sa kanyang album na kombinasyon ng iba-ibang genre.

Una niyang kinanta ang Imposible, Imagine na personal favorite niya raw. Pang third ang Doo Be Doo, isang African song na trinaslate sa Tagalog ni Joey de Leon. Mukhang maghi-hit ang kanta at kahit ang kambal na sina Richard and Raymond Gutierrez ay nagustuhan daw nang iparinig ni KC. Pareho raw pala ang taste ng kambal.

Actually, kakaiba ang mga kanta ni KC. Kasama pa nga sa album ang kanta ng alternative singer na si Joey Ayala na Haring Ibon.

Magaling palang kumanta si KC. Meron pa ngang time na parang nagkakapareho ang boses nila ng mommy niyang si Mega. Pero yun nga, hindi sila pareho ng tipo ng kanta, kaya ang hirap ikumpara ng mag-ina.

Hindi pa raw naririnig ng kanyang mommy ang lahat ng kanta sa kanyang album. Nagkaroon na dati ng issue na hindi lahat ng nangyayari sa career ni KC ay alam ng kanyang Mommy Shawie. Pero bawal magtanong ng personal sa nasabing launching/presscon ng kanyang album.

Pag-start pa lang ng presscon, meron na agad sinabi ang host na sana ay naka-focus sa album ang mga tanong, kaya ayun sundut-sundot lang ang tanong tungkol sa kanya.

Anyway, matagal palang pinag-planuhan ang a.k.a Cassandra na fusion of original compositions and remakes na ginawan ng kakaibang arrangements.

Kasama rin sa album ang Melt With You (Modern English), I Just Can’t Get Enough (Depeche Mode) kung saan guitar based harmonized with percussions which KC herself played live with Pinikpikan during the recording na nag-create ng unique music sound at marami pang iba.

Meron ding contribution si Maestro Ryan Cayabyab sa Ngiti Lang.

“Nagpapasalamat ako sa Sony BMG dahil binigyan nila ako ng freehand in choosing the songs in the album, including the musicians that I got work with it. They gave me so much trust and freedom to explore the kind of music that I wanted. The result is fantastic. I was particularly surprised how Umbrella sounded almost ethereal after we’re through with it,” sabi ni KC.

Say ng BMG A&R Director na si Vic Valenciano, extraordinary artist si KC. “She knows what she wants and how she wants her music to sound like. There were lots of influences from her Paris days which will be evident in most of the songs you’ll be hearing in the album.”

* * *

 Kasabay ng pasukan sa eskuwelahan ang pagbubukas ng Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN.

Siyempre pag-aaral din ang haharapin dito ng 32 scholars ng academy.

Sa nakaraang walong Sabado ay ipinakilala na ang Top 32 aspiring PDA dreamers kung saan iilan lamang ang mabibigyan ng pagkakataong maka­pasok ng Academy bilang scholars. Para mala­man kung sinu-sino nga ba ang makakapasok ay makikilala sila sa special final casting week na The Dream BIGins sa Primetime Bida sa June 9-13 at ang Pinoy Dream Academy Season 2 Opening Night ng live sa PDA Concert Hall sa June 14, Sabado.

Makakasama ni Billy Crawford as host ng PDA sina  Toni Gonzaga at Nikki Gil na ayon kay Billy ay hindi pa niya masyadong nakaka-bonding except yesterday dahil nagkaroon sila ng pictorial.

Mapapanood ang tatlo araw-araw kung saan si Toni ang makikita tuwing primetime, si Nikki sa updates at si Billy sa bagong PDA Uberture. Sina Toni at Billy din ang nakatokang mag-host sa mga magaganap na weekly Performance and Expulsion Night.

Hindi na si Jim Paredes ang head master. Pinalitan na siya ni Maestro Ryan Cayabyab kasama si Joey Reyes, UP College of Music Voice and Music Theatre Chairman at Voice Master Kitchy Molina at musician extraordinary at Voice Mentor na si Monet Silvestre.

Kung ang mga estudyante ay ready sa pasukan sa Monday, ready na rin ang mga scholars ng PDA sa pagpasok sa Academy. (SVA)

* * *

[email protected]

ALBUM

BILLY CRAWFORD

COLLEGE OF MUSIC VOICE AND MUSIC THEATRE CHAIRMAN

CONCERT HALL

DEPECHE MODE

MAESTRO RYAN CAYABYAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with