In fairness, hindi ako tumakas sa wedding reception nina Inah Revilla at Vince del Rosario.
Nag-stay ako at nakipagtsikahan portion kina Mama Wilma Galvante at Mama Kitchie Benedicto dahil kami ang magkakasama sa isang table.
Nanghinayang lang ako dahil hindi ko naharbat ang mga malalaki at puting bulaklak na nakalagay sa presidential table.
Type ko sanang iuwi ang mga bulaklak pero hindi pa tapos ang programa. How I wish na ipadala sa akin ni Lani Mercado ang mga bonggang-bonggang bulaklak na libu-libong piso ang halaga.
C
Well-planned ang church wedding at ang reception nina Inah at Vince. Hindi halata na rush ang preparation.
Pagpasok ko sa Manila Cathedral, ang mga white roses ang sumalubong sa akin.
Simple pero elegante ang dekorasyon ng simbahan. Kami ni Mama Charo Santos-Concio ang pinakamaagang dumating kaya marami kaming napag-usapan.
Ikinuwento ko kay Mama Charing na natawa ako sa My Girl. Ikinuwento naman niya sa akin na malakas sa takilya ang Caregiver, ang pelikula ni Sharon Cuneta na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.
Sister company ng ABS-CBN ang Star Cinema kaya happy si Mama Charing dahil pinipilahan ang kanilang latest movie project.
Napag-usapan din namin si Rudy Fernandez. Nalungkot si Mama Charing nang malaman nito ang kalagayan ni Daboy.
* * *
Sa totoo lang, muntik din akong maiyak nang makita ko na iyak nang iyak si Inah habang nagmamartsa sila ng kanyang mga magulang.
May hawak na tissue si Inah habang naglalakad dahil hindi niya mapigilan ang mapaiyak.
Cry din si Lani. Hindi ko nakita na umiyak si Bong habang nagmamartsa sila ng kanyang anak pero cry din siya sa misa.
Bagets na bagets pa sina Inah at Vince. Totoy na totoy nga ang tingin ko kay Vince nang lumapit siya sa akin para mag-beso.
Hindi ko na nakausap si Jorge pagkatapos ng misa. Malayo siya sa table ko sa wedding reception kaya hindi ko na siya natanong kung bakit hindi niya sinamahan si Vince at ang nanay nito sa wedding march.
* * *
Alagang-alaga si Senator Ramon Revilla, Jr. ng kanyang mga anak. Panay ang lapit sa kanya ni Andeng Ynares para i-check kung okey siya.
Masuwerte si Mang Ramon dahil sa kanyang mga maasikaso at mababait na anak.
Gandang-ganda ako kay Andeng at sa kanyang kapatid na si Rowena Mendiola. Parang hindi nanganak si Andeng dahil pang-dalaga uli ang shape ng kanyang katawan.
Mas marami ang mga bisita na nagpunta sa wedding reception kesa sa mga pumunta sa simbahan.
Na-sight ko sa wedding reception sina Governor Chavit Singson na hindi ko naharbatan, sina Papa Felipe Gozon at ang kanyang napakabait na misis. Si Senator Miguel Zubiri at ang asawa nito na magandang magbuntis, si Senator Jinggoy Estrada na karga-karga ang kanyang bunsong anak na abay sa kasal pero hindi naglakad kaya nagkaroon ng moment ang yaya niya.