Nagsimula lang sa isang “coming out” party sa Freedom Bar sampung taon na ang nakararaan, wala pang halos isang buwan ang sessiOnroad sa gig circuit noon sa pabalik-balik na tugtugang-Baguio-Manila, ay napirmi na sa mainstream scene matapos silang mabigyan ng break na magkaroon ng self-titled album. Yun ang naging simula.
Ngayon ay masayang naghahanda ang banda para sa kanilang anniversary show sa May 30 (Fri.) na gaganapin sa Route 196 in Katipunan, QC. para mag-marka ang isang dekadang tunog sessiOnroad — alternative pop rock na angat ang percussions. May titulong SAMPU SAMPU sessiOnroad@10, apat na mga kaibigang banda ang magdadagdag saya: Top Junk, Delara, Peryodiko at Spaceflower Show.
Sina Hannah Romawac-Olives (vocalist-rhythm guitarist), Chavi Romawac (drummer), JV Romawac (percussionist), Jimbo San Pedro (bassist), and Coy Placido (lead guitarist) ay excited na magpapakilala ng bagong single sa mismong selebrasyon nila. Doon na ihahayag ang iba pang mga detalye nang tinatapos na all-orig album bilang sorpresa sa mga fans nila.
Ang kanilang mga loyal bar followers naman ay siguradong mapapakinggan ang mga hit songs ng sessiOnroad mula sa Suntok sa Buwan at Bakit Hindi? albums na ni-release ng Alpha Records. Plus, may mga kakaibang renditions din sila ng mga piling-pili na cover songs.
Ang mga tiket para sa SAMPU SAMPU sessiOnroad@10 ay mabibili sa gate ng Route 196 - P150. Para naman sa ibang detalye, i-text na lang ang manager na si Vicky Romawac sa 0917-6227807. Ang sessiOnroad ay regular sa ’70s Bistro sa Anonas tuwing Miyerkules at sa Xaymaca Bar in Timog tuwing Huwebes naman.