Katrina ‘di na tumataas ang kilay

Dati, pinakaproblema ni Katrina Halili ay ang  nang-aapi siya, ngayon siya naman ang inaapi, big transformation ng kanyang role.

Dati, hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kanyang kilay. Ito naman ay nung mga unang araw na ginagawa nila ang Magdusa Ka. Nahirati kasi siya sa pagganap bilang kontrabida sa Marimar kung kaya noong ma-assign siyang bida sa Magdusa Ka, hindi agad siya naka-adjust.

Hindi na ngayon. Believable na siyang inaapi- api, hindi man ni Iwa Moto ay ng sitwasyon na kinalalagyan ng character na kanyang ginagampanan.

Pwede ka nang makisimpatiya sa kaawa-awang kalagayan ng kanyang character. Unti-unting pinatutunayan niya ang kanyang kagalingan bilang aktres.

Gano’n din si Iwa who might still prove a better kontrabida than Katrina.

* * *

It seems tinanggap na ng mga tao ang paghi­hiwalay nina Jericho Rosales at Heart Eva­ngelista. Medyo matagal nang nakabalik ang grupo ng Codename: Asero mula Dubai pero ang inaasahan ng mga tao na pagsagot ni Heart sa mga naging deklarasyon ni Echo ay wala pa rin.

Mabuti naman, for her sake and Echo’s. Kung gusto niyang hindi pagpistahan, she should stay silent on the issue and mag-concentrate na lang sa project nila ni Richard Gutierrez. Mas madali siyang makakalimot at makaka-move on sa ganitong paraan.

* * *

O tingnan mo nga naman, nabigyan ng grade B ng Cinema Evaluation Board ang ginawa naming indie movie na may pamagat na Paupahan (Crossroads). Kung sabagay alam naming lahat na magiging maganda ang pelikulang ito. Sinu-shooting pa lamang ay nagagandahan na kami sa mga eksena, parang puro highlight ang pinaggagagawa. First time kong ma-meet si direk Joven Tan, marunong siya. Pulido ang trabaho niya.

May tatlong related at intertwining stories ang Paupahan (Crossroads). Malaki ang cast led by Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Angelu de Leon Krista Ranillo, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus at Jay Manalo. Kasama rin ako. Ginawan din ito ng isang magandang theme song na kinakanta ni Jan Nieto. Si Romy Vitug ang cinematographer, o, ’di ba bongga?

Sa June 22, may premiere night ito sa SM Megamall at sa June 30 naman sa SM Pam­panga. Palabas sa mga sinehan sa July 2. Si Allen Dizon nga pala ang producer nito at binabati at pinupuri ko siya dahil pinaganda niya ang movie at hindi kinuripot ang budget. Iyon lang naman talaga ang dapat gawin ng isang nagpoprodyus, ang gawing maganda ang kanyang produkto. Intelihente na ngayon ang mga manonood, ayaw nila ng patakbuhing pelikula.

Show comments