Hanggang ngayong Biyernes, Mayo 23 na lamang mapapanood ang afternoon drama TV series na Prinsesa ng Banyera na tinatampukan nina Kristine Hermosa at Ara Mina pero ang dalawa ay may kani-kanyang bagong TV assignments sa ABS-CBN.
While hindi pa kami sigurado sa bagong programa ni Kristine, si Ara naman ay mapapanood sa Ligaw na Bulaklak na pagsasamahan nila ni Roxanne Guinoo.
Tulad ng role ni Ara sa Prinsesa ng Banyera, siya rin ang magiging kontrabida ni Roxanne sa bago nitong teleserye.
Huling napanood si Roxanne sa action TV series na Palos na pinagsamahan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.
Speaking of Ara, kung totoong may problema sila ni Cristine Reyes, hindi kaya maapektuhan ang pakikipag-negotiate ng manager na ate?
* * *
Kung gagayahin lamang sana ng Pilipinas ang ginagawa ng Japan na ang mga prepaid sim cards at cellphone units ay naka-rehistro, madali sanang ma-trace ang mga gumagawa ng kalokohan.
In our recent visit sa Tokyo, Japan, bumili kami ng cellphone unit para sa anak kong si Aila Marie na doon na nag-aaral. Since outright na binili ko ang unit, hindi ko akalain na para rin pala ako dadaan sa butas ng karayom sa rami ng requirements. Magpi-fill-up ka ng application form, ipo-photocopy ang passport mo at ng gagamit ng unit at kung anu-ano pa.
Naka-rehistro ang cellphone unit, sim card at maging ang prepaid card. Hindi ka rin makakabili ng unit kung wala kang alien card (kung ikaw ay isang foreigner), unlike sa Pilipinas na kahit sino at kahit saan ay makakabili ng unit, sim at prepaid card ng walang kahirap-hirap.
Ang isa pang nakakatuwa sa mga Hapon, napaka-polite nila kahit hindi ka nila kilala. Ang isang hindi ko malilimutan nang minsang maiwan ko ang aking dalang attache case sa isang restoran na kinainan namin ni Aila sa may Roppongi noong isang linggo. Nasa loob na kami ng tren pabalik ng hotel nang maalala ko ang aking attache case. Binalikan namin agad iyon at ang mismong waiter na nagsilbi sa amin ang nag-abot ng bag. Sa maraming bagay, ganoon ka-honest at ka-systematic ang mga Hapon.
* * *