Coney Reyes at Regine Tolentino, kapwa palaban!

Sina Coney Reyes, Regine Tolentino, at Grace Gupana — mula sila sa magkakaibang mun­do ngunit meron silang pagkakapareho, lahat sila ay may tibay ng loob na nakatulong sa kanilang malagpasan ang mga dumaang pag­su­bok sa buhay. Nga­yong Biyernes, tam­pok sa Proudly Filipina ang kanilang mga kwen­to. 

Biktima ng date-rape si Coney Reyes noong siya ay teenager pa, at nagawa niyang makipag­hiwa­lay sa dati niyang asawa noong panahon na may stigma pa ang pagiging isang separada. 

Si Regine naman ay isang ina at asawa na tila walang kapaguran. Gina­gawa niya ang lahat para makatulong sa kanyang pamilya para mamuhay ng maginhawa at masaya.

Samantala, kung mahina-hina lang ang loob ng businesswoman na si Grace Gupana, matagal na siyang nagpatalo sa mga pagsubok. 

Abangan ang kanilang mga kuwento bukas ng 7 p.m. sa Proudly Filipina sa Q-11. 

Show comments