Pormal nang binawi kahapon nina Piolo Pascual at Sam Milby ang kasong libelo na isinampa nila laban sa showbiz columnist ng Pilipino Star Ngayon (PSN) na si Ms. Lolit Solis.
Personal na nagtungo ang dalawang aktor sa Manila Regional Trial Court para ihain ang kanilang nilagdaang affidavit of desistance.
Kasama rin sa binawi ang demanda ng mga aktor laban sa dating entertainment editor ng PSN na si Ms. Veronica Samio.
Sa nabanggit na kolum na Take It! Take It! na lumabas sa PSN noong Oktubre 12, 2007, sinabi ni Lolit na nakita niya ang dalawang aktor na nagbubulungan sa isang hotel.
Kaugnay nito, nagsampa sina Sam at Piolo ng tig-P5-milyong libel suit laban sa dalawa. – Doris Franche