Katrina-Dennis: Hindi nagdusa sa ratings

Waging-wagi at hin­di nagdusa ang pilot ratings ng ika-walong season ng Sine No­vela presents Pab­lo Go­mez’s Magdusa Ka na pinagbibidahan nina Katrina Halili, Iwa Moto at Dennis Trillo na nagsimula na noong Lunes ng hapon sa GMA 7.

Pinakamataas sa lahat ng pilot ratings ng mga nagdaang Sine Novela ang nakuha ng Magdusa Ka nang mag­­tala ito ng 24.3%  base sa overnight ra­tings sa Mega Manila ng AGB Nielsen.  Tala­gang inabangan ang transformation ng mga dating nang-aapi na si Katrina at ang dating ma­tinee idol na si Dennis.

Sa simula pa la­mang ng Magdusa Ka, kitang-kita na ang kakaibang Dennis na gumanap bilang si Rod, ang jeepney driver na palikero at medyo bas­tos, na talagang ibang-iba sa mga dating ka­rakter na ginam­panan ng aktor.  

Show comments