Gabo queries, bawal sa presscon ni Mega

Bawal ang mga tanong tungkol kay Gabby Con­cepcion sa presscon ni Sharon Cuneta today para sa Caregiver. Ito ang kabilin-bilinan sa mga inimbitahang entertainment writers and editors sa kanyang presscon.

Marami kasing umasa na ito na ang pagkakataon nilang maurirat si Mega tungkol sa kabi-kabilang isyu tungkol sa kanila ng dating asawa.

Pero sorry to say, wala raw tanong kay Gabby ang puwedeng lumusot.

* * *

Pramis, cute ang pelikulang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy starring Robin Padilla and Ai Ai delas Alas na magsisimulang mapanood today sa Metro Manila theaters.

Kagabi kasi ay nagkaroon ito ng red carpet premiere na, in fairness, ay dinagsa ng magkabilang fans ng dalawang bida. Dalawang sinehan ang pinaglabasan ng pelikula pero parehong jampacked.

May chemistry pala sina Robin at Ai Ai. As in may kilig factor. Kaaliw ang mga eksena nila, hindi pilit. Kaya nga sigawan ang mga nasa loob ng sinehan dahil aliw sila sa panonood eh, nando’n pa naman sina Robin at Ai Ai.

Isa pang malaking factor sa pelikula ang bagets actor na si Rap Salazar. Bagay sa kanya ang maging bading sa pelikula na anak ni Robin.

Si Eugene Domingo, actually, puwede nang magkaroon ng solo movie. Sus, paiba-iba ang character niya sa movie. At nakaya niyang i-justify lahat!

Kahit si Nanette Inventor, cutie din ang role.

Actually, nang mapanood ko pa lang sa trailer ang Ikaw Pa Rin, nagkainteres na akong panoorin ang movie. Walang kupas si Robin. Talbog ang maraming action stars diyan. Madalas puyat ang actor sa taping ng Joaquin Bordado. Pero hindi mo mapapansin na puyat siya sa mga nakakaaliw niyang eksena -- may halong drama, comedy at konting action bilang isang bombero na na-in love sa character ni Ai Ai na isang doctor, doctor ng mga hayop na nagligtas sa kanya nang  mabilaukan siya sa pizza.

Dahil sa pagkakaligtas sa buhay niya, tumanaw siya ng malaking utang na loob na ang kapalit ay ang request ni Ai Ai na maging ama ng anak niya dahil malapit na siyang malipasan ng panahon, eh virgin pa siya. 

Panggulo naman sa love story nila si Riza Santos.

Naku panoorin n’yo ’to. Matagal-tagal na ring walang comedy film na matinu-tino. After ng showing dito sa bansa, magkakaroon ito ng US premieres. Viva Films ang producer ng dinirek ni Wenn Deramas at scriptwriter niya si Mel del Rosario.

Show comments