Maraming salamat sa mga nagpadala sa akin ng Mother’s Day cards sa pamamagitan ng email at sa readers ng PSN na nagdarasal para kay Rudy Fernandez.
Special thanks kay Cherry Berry ng Las Vegas na nagpamisa para sa pamilya nina Daboy at Lorna Tolentino, kahit hindi sila kilala ng mag-asawa. Nagpamisa rin si Cherry para kay former President Cory Aquino. Maraming salamat Cherry. Sigurado ako na makakarating kay LT ang ginawa mo dahil araw-araw siyang nagbabasa ng mga diyaryo.
* * *
Sa telepono lang nakipag-break si Heart Evangelista kay Jericho Rosales kaya walang closure ang kanilang love affair.
Asahan natin na hindi pa matatapos ang pagtatanong ng mga reporters kina Jericho at Heart tungkol sa hiwalayan portion nila.
Kung may maganda man na naidulot ang kanilang paghihiwalay, pinag-uusapan uli sila at nakasundo ni Heart ang kanyang pamilya na matagal niyang nakatampuhan.
Hindi kagaya noong maayos pa ang relasyon nila. Dedma ang mga tao tungkol sa kanila.
Ganyan naman sa showbiz. Mas pinag-uusapan ang mga nagkakahiwalay at pilit silang pinagkakasundo.
Kung sino naman ang mga artista na maayos ang relasyon, sila ang pinaghihiwalay.
* * *
Papasok na rin pala sa showbiz ang panganay na anak nina Pops Fernandez at Martin Nievera.
Napanood ko sa The Buzz ang kanilang report na band member na si Robin Nievera pero hindi nito gagamitin ang apelyido ng kanyang madir at fadir as in Robin Martin ang magiging screen name niya.
Sosyal ’di ba? Puwedeng isipin na kamag-anak siya ni Ricky Martin at Steve Martin! Ladies and gentlemen, let’s welcome Robin Martin!
* * *
Ngayon malalaman ang rating ng pilot episode ng Magdusa Ka ni Katrina Halili.
Kapag nag-rate ang TV series na pinagbibidahan ni Katrina, tanggap ng mga tao ang kanyang pagiging bida.
Nasanay kasi ang mga tao na puro kontrabida roles ang kanyang ginagampanan.
Kahapon lang nag-umpisa ang Magdusa Ka. Knowing Katrina, hindi ito nakatulog sa pag-aabang sa resulta ng mga rating kahapon ng mga afternoon drama series.
* * *
Naka-Muslim outfit ang mga anak ni Robin Padilla na sina Queenie at Kylie nang makita ko sila sa simbahan noong Sabado.
Magagandang bata ang mga anak ni Robin. Lalo silang gumanda sa kanilang Muslim outfit dahil ang mga mukha lang nila ang nakalitaw.
Hindi mo aakalain na magaling sa action stunts si Kylie dahil balot na balot siya.
Sa totoo lang, pareho sila ni Queenie na magaling sa martial arts at dahil maamo ang kanilang mga mukha, hindi mo iisipin na matatapang at palaban ang dalawang girl bagets.