SEEN: Sina Ai Ai delas Alas at Robin Padilla sa healing mass para kay Rudy Fernandez. Magkasama ang dalawa. Hindi totoo ang text message na kumalat na magkagalit sina Ai Ai at Robin. Maaaring sinadya ’yon para mapag-usapan sila dahil bukas na ang showing ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy.
SCENE: Ang panayam ni Boy Abunda kay Jericho Rosales sa The Buzz. Tinalbugan ni Jericho si Boy dahil panay ang Ingles niya kahit Tagalog ang mga katanungan sa kanya ng sikat na TV host. Totoo ang sinabi ni Heart Evangelista na mapagkunwari ang kanyang ex-boyfriend. Ang sobrang pagi-Ingles ni Jericho ang natandaan ng televiewers. Hindi ang kanyang pag-iyak.
SEEN: Ang mga linya sa paligid ng mga mata ni Dennis Trillo na tinatawag na crow’s feet. Dapat gumamit ng eye cream si Dennis para mapigilan ang pagdami ng kanyang crow’s feet na madaling makapagpatanda ng mukha.
SCENE: Ang tampuhan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Nasanay na ang mga tao sa kanilang away-bati na relasyon. Hindi na sineseryoso ang kanilang tampuhan.
SEEN: Ang makapal na labi ni Pops Fernandez na hindi bagay sa kanya. Mas lalong magiging maganda si Pops kung ibabalik niya ang dating manipis na labi.
SCENE: Kulang sa X factor ang mga contestants ng Pinoy Idol. Wala sa kanila ang tipo na pag-aaksayahan ng text votes ng televiewers.
SEEN: Celebrities na magkakahawig: Regine Velasquez (without make-up) at Isay Alvarez; Michael V. at Eugene Domingo (sa TV ad ng Bear Brand); Dina Bonnevie-Nadine Samonte at Joseph Bitangcol-Mura.