Patuloy na kinikilala sa mga pandaigdigang institusyon ang pelikulang Canvas na pinagbidahan ni Giselle Toengi at idinirek ni Arlene Bogna para sa charity na A Window Between Worlds.
Napili ito bilang isang lahok sa 41st Annual Worldfest-Houston International Film Festival at nagkamit ng isang 2008 Remi Award. Ito ang ikaapat na award para sa Canvas na ipinalalabas bilang isang short film sa independent film festival. Ang pelikula ay produced ng Women in Film. Noong nakaraang buwan, ipinalabas din ito sa Regal Arbor Cinema sa Austin, Texas.
Ipinakikita sa pelikula ang isang babae na may malakas at masalimuot na pagkatao. Ipinahiwatig ni Bogna na naipakita ni Toengi ang buo nitong kaluluwa para sa proyekto. Sa mga boses, closed-ups at pabalik-balik mula paintbrush hanggang sa mga mata ni Toengi, ayon kay Bogna, hindi mo makukuha nang buo ang pelikula kung hindi mo ito tatapusing panoorin. Lumabas din ang pelikula sa New York International Independent Fil and Video Festival bukod sa telebisyon.