Aga at Sun Cell: Boses ng barkada

Sa panibagong endorsement ni Aga Muhlach na isang panibagong television commercial (TVC) na pinamagatang Sun Cellular, Boses ng Barkada, makikita ang aktor bilang bagong mukha sa likod ng Sun Cellular network.

Ipinakikila niya ang pinaka-popular flagship permanent service, ang Sun Call and Text Unlimited (CTU) 25 na naghahandog ng pinaka-cost-efficient na serbisyo. May unlimited calls at texts kasi sa isang araw sa halagang P25 lamang! Maaari itong ma-avail sa pamamagitan ng Sun electronic loading service na Sun Xpress Load at e-pins. Samantala, ang regular load ay maaaring ma-convert din sa CTU25.

Ayon kay Joan Dueñas, AVP ng prepaid business ng Sun Cellular, ideal ang TVC para kay Aga dahil napakaimportante na patuloy ang komunikasyon niya sa kanyang pamilya at trabaho at ang Sun CTU service ay nagbibigay ng oportunidad sa kanya na magawa ito... sa murang halaga. Sinang-ayunan naman ito ni Aga na naniniwala sa pagpapahalaga ng Sun sa gastusin ng bawat tao. Inihayag din niya ang kanyang tiwala sa brand ng Sun na nakilalang cellular network ng mga kabataan.

Show comments