Anne Curtis, sirena rin sa Dyosa!
Sinabi ni Anne Curtis na isa sa apat na characters na gagampanan niya sa kanyang bagong serye sa ABS-CBN na pinamagatang Dyosa ay isang sirena.
Binigyan diin niya na hindi ito isang major part kundi bahagi lamang ng pagiging diyosa niya ng earth, land, water, and fire. Bukod sa pagiging isang sirena, centaur (kalahating tao, kalahating kabayo), agila at tao.
Excited nga siya na mapanood ang lumalabas na teaser nito na kung saan binibigyan ang mga manonood ng ilusyon na nakahubad siya.
“After being the ‘best slut in town’ sa Maging Sino Ka Man, natuwa ako na pambata naman ang Dyosa,” aniya na hindi maitago ang kasiyahan sa magandang record na itinatala ng When Love Begins sa takilya. “Napakagaganda ng mga dialogues ko rito, relate na relate ako at maski na ang mga manonood,” dagdag pa ng magandang aktres na nagsabing mas humusay pa ang Tagalog niya after Kampanerang Kuba.
Inamin din niya na may ligawang nagaganap sa pagitan nila ng leading man niya sa Maging Sino Ka Man pero, wala pa silang commitment nito.
“Gusto ko iyong tipo ng panliligaw na ginagawa niya sa akin, na may sinusunod siyang mga guidelines. First man siya na nanligaw ng ganito sa akin,” may pagmamalaki niyang sabi.
Sinabi rin ng aktres na hindi maiiwasang ikumpara siya sa Dyesebel. “Lahat kami sa show ay gagawin ang lahat para mapaganda ang Dyosa, we have to do our best para hindi kami mag-suffer in comparison,” pangako niya. At ito ang isa sa maipupuri sa kanya, laging handa siya sa mga ganitong bagay.
Eleven years nang nakakontrata sa Viva si Anne at kahit na sa isang taon pa ito mag-i-expire ay pumirma na siya agad ng isa pang three-year extension.
“I like the way they’ve taken care of me, they’ve made a lot of wonderful decisions that have helped me to get to where I am today. I’m very grateful to them for doing so,” pagtatapos niya.
* * *
Para namang reunion of some sort ng Seiko Jewels ang bagong teleserye sa hapon ng GMA 7, ang Magdusa Ka, 8th movie na isinerye ng Siete sa Sine Novela na hango sa isang nobela ni Pablo Gomez nung ’80s na pinagbidahan nina Dina Bonnevie, Christopher de Leon, Dindo Fernando at Nida Blanca. Dinirek ito
Ang role ni Iwa Moto ay ginampanan ni Pinky Amador sa pelikula. Siya ang anak ni Jackielou Blanco na gumaganap namang asawa ni Gardo Versoza, ang mayamang ama ni Katrina na kukopkop sa kanya matapos siyang ipagtabuyan ng kanyang ina nang matuklasan nito ang relasyon nila ni Dennis. Gagawin ng mag-ina ang lahat para makuha ang yaman ng ama ni Katrina.
Si Emilio Garcia naman ang mayamang ama ni Dennis na pupuntahan niya para siya kupkupin para yumaman din siyang katulad ni Katrina, pero hindi ito magiging madali dahil may kapatid siya sa ama (Gabby Eigenmann).
Kasama rin sa napaka-laking cast sina Liza Lorena, Deborah Sun, Karla Estrada, Rich Asuncion, Prince Stefan, Blumarc Roces at Shirley Dalton.
Ngayong May 12 na ang simula ng pagpapalabas ng Magdusa Ka sa Dramarama sa Hapon.
* * *
Pagkatapos ng sandaling pamamahinga after her very successful stint sa Maging Sino Ka Man, nagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) si Bea Alonzo sa isang very off-beat role bilang Adela, isang batang babae na naging “ina” sa isang batang hindi niya kadugo sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval sa isang special Mother’s Day presentation sa Primetime Bida.
Bising-busy na ulit si Bea ngayon dahil bukod sa MMK, na-announce na rin ng ABS-CBN na siya ang gaganap na bida sa Betty La Fea! Bukod dito, nakatakda rin siyang gumawa ng isang pelikula under Star Cinema with Jake Cuenca.
o0o
Napapanood na kagabi ang pinag-uusapang concert ng mga binatang aktor na may ibubuga sa musika - ang Cover Boys: UnCOVERed sa
Binubuo ng mga naggagwapuhang sina Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Jon Avila, Victor Basa, Will Devaughn, Ron Morales, John James Uy at Marvin Raymundo, tinupad ng mga hotties na ito ang pinakamaiinit na pantasya ng manonood! Maliban sa kanilang mga sexy and naughty numbers, nakita rin ang tunay at “uncovered” na Cover Boys dahil mayroon silang steamy hot revelations!
Kasama sina Vice Ganda, Ethel Booba, John Lapus at Nikki Gil, mapapanood muli ang concert ng Cover Boys ngayong gabi, 8 p.m. sa Music Museum hatid sa atin ng ASAP Live at MJM Productions.
* * *
Naging masaya ang Go Bingo sa Linggong ito dahil iba ibang mga contestants ang nakasama ni Arnell Ignacio. Nung Lunes mga titser (Jessica Madapat, Noel Gaton, Angelina de Chavez); Martes, bartenders (Mia Losanez, Goldie Bate, Adrian B. de Paz); Miyerkules, kundoktor (Alexander A. Yu, Jr., Jezi Samson, Emmanuel Laborina); Huwebes, janitor (Rolando Alejaga, Marialyn Mapua, Alterthon E. delos Reyes); Biyernes, call center (Allan Christian Simon Manluso, Myra Samonte, Joyce Suarez).
Mga ordinaryong manonood na ang mga kinukuhang contestants bilang tulong ng network para maibsan kahit kaunti ang kahirapan ng maraming tao. Pero huwag magtaka kung may mga araw na mga celebrities ang maglalaro bilang pagbibigay sa kahilingan din sa mga manonood.
* * *
- Latest